Chapter 5 - Skills

1266 Words
COLT Pataas ng pataas ang kaba ko dahil paano kung hindi umabot ang pagpindot ko sa ready pag-restored ng data ko. 10 seconds ang natitira sa oras ko, kaya mas lumakas ang hiyawan ng mga tao kasabay ng paglakas din ng kaba ko. “Hindi mo pa ba pipindutin ‘yan?” tanong ni Anna sa akin. “May hinihintay ako,” sagot ko naman habang nakadikit na pa rin ang mga daliri ko sa weapon at battle option. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko mamatay ka sa oras na hindi mo mapindot ang ready icon na yan,” babala niya habang humihigpit ang kapit sa hawak niyang wand. “Alam ko pero hindi ko pwedeng pindutin kung wala akong panlalaban sayo,” sabi ko sa kanya habang nakapafocus sa bawat segundo ng oras. “Hindi mo kailangan ng kung anong weapon sa laban na ‘to dahil utak lang ang gagamitin mo para manalo at hindi mamatay,” bigay niya ng information sa akin pero nakaseryoso pa rin ang mukha. Napatingin ako sa kanya at nawala bigla ang kaba ko. “Talaga?” tanong ko sa kanya at tumango lang siya kaya pindot ko kaagad ang ready icon. “Start!” sigaw ng computer voice sa langit. Agad siyang sumugod sa akin at naging espada ang wand niya, kaya hinarang ko ang magkabila kong kamay sa mukha ko. Nahati ang battle option ko pati na ang weapon option ko sa harapan pero bigla na lang may lumabas na shield sa kamay ko kaya pinangharang ko kaagad hanggang sa dumulas ang espada niya sa shield ko at mapunta ako sa otherside kung saan siya nakatayo kanina. Tumayo siya ng tuwid habang nakatalikod sa akin at hindi na muling sumugod kaya nagtaka ako habang binaba ko na ang pananggala sa kamay ko kaya unti-unti rin itong nawala. “Akala ko ba hindi kailangan ng weapon?!” nainis kong anong sa kanya. Humarap siya sa akin at tinusok niya sa harap niya ang hawak niyang espada. “Hindi nga pero nakatapak ka sa sagot ko.” Diretsong tingin niya sa akin, seryoso ang mukha at parang gusto talaga akong patayin. Hindi ko alam ang sinasabi niya pero tumingin ako sa tinatapakan niya pati na sa tinatapakan ko dahil ‘yon ang sabi niya. Nagulat na lang ako ng biglang may malaking box sa parehas naming kinatatayuan at sa gitna nito may nakasulat na salita. “Sword?” nagtataka kong sabi kung saan siya nakatayo. “Shield?” nagtataka ko pang isang sabi kung saan naman ako nakatayo. “This is the Battle of Wits Colt,” tawag niya sa akin kaya napatingin ako. “You see the question and pick the answer.” Bunot niya sa espada at ginamit niya ito pang turo sa gilid kung saan nakalagay kanina ang timer. Tumingin ako sa gilid kung saan nakaturo ang espada niya at nakita ko ang sinasabi niyang question. “What is the best weapon in battle?” sa baba naman nito nakalagay ang sagot. Maliit na box at nakalagay ang salitang sword at shield kagaya ng tinatapakan namin. “30 seconds to start the real battle,” ani ulit ng mala computer voice sa langit hanggang sa lumabas sa itaas ng question ang timer na 30 seconds. “Ano ang ibig sabihin non?” tanong ko sa kanya habang nakaturo sa timer. “Wala ka ba talagang alam dito Colt?” Baba niya ng kamay niya habang nakatingin sa akin. “Hindi ko alam ang sinasabi mo,” ani ko at gulong gulo na ako. “Tignan mo ulit ang weapon option mo baka sakaling maalala mo.” Utos niya sa akin habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa espada. Hindi na ako nagtanong pa o nagsalita pa at sinunod ko na lang ulit ang sinabi niya pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil baka sumugod na lang siya bigla katulad kanina. Pagtapik ko sa kanang balikat ko lumabas ang mga weapon ko napakadami nito pero hindi ko magamit dahil ng subukan kong pindutin ang bawat isa sinasabing lang nito na “This is unviable to battle.” Nilipat ko ang tingin ko sa iba pang nakalagay sa weapon option at nakita ko ang salitang skills kaya pinindot ko ito tsaka ko nakita ko ang bawat skill na pwede kong magamit. Pindot ko ang una kong nakitang skills sa lahat ng skills na meron ako sa weapon option at ito at ang water skills. Pagkapindot ko dito bigla na lang bumukas ang isipan ko at na-unlock ko ang mga pangyayari bago ko mapunta sa lugar na ito. Isa akong tao sa earth na mahilig sa computer at binubuhos ko lagi ang oras sa paglalaro ng computer. Ang larong iyon ay ang Death Tournament at isa sa mga branches ng larong ito ay ang Battle of Wits kung saan pipili ka ng sagot sa tanong na puro ano ang mas malakas sa dalawa hanggang sa makapili na kayo at tsaka niyo ngayon papatunayan kung sino ba talaga ang mas malakas sa dalawa gamit. Kung sinong manalo ‘yun ang makakaligtas at magkakaroon ng gantimpala. Hindi lang ‘yun ang na unlock ko sa isipan ko dahil marami pa. Isa akong top player dito sa Battle of Wits at isa sa mga lagi ko nakakalaban ay si Anna Rashid, kaya niya ba ako kilala? Napaluhod ako sa lupa habang nakahawak sa ulo ko matapos sumakit nito dahil sa effect ng pagbalik ng alaala ko pero 5 seconds na lang ang natitira sa akin para maghanda sa laban base sa pagkarinig ko ng countdown ng mga tao sa paligid namin. “Totoo bang nasa loob ako ng Death Tournament?” tanong ko sa sarili ko. “Nakahanda ka na ba Colt Trevor?!” ng gigil niyang tanong sa akin habang nakahanda nang sumugod sa akin. Patayo pa lang ako ng matapos ang limang segundo sa timer. Sumugod siya bigla at humiwa mula sa malayo, kaya umilag ako bigla kahit masakit pa ng kauntin ang ulo ko dahil sa nangyaring pagbalik ng alaala ko. Gumulong ako sa lupa at lumipat sa pwesto niya tsaka ko hinarang ang kamay ko sa mukha ko. Lumabas ang shield na kaninang ginamit ko rin para salagin ang pagatake niya matapos kong ipwesto ang kamay ko sa pagitan ng mukha at katawan ko. “Tatapusin ba natin ‘to sa magandang laban o iilag ka na lang buong araw?” tanong niya sa akin habang nakahanda pa rin sa pagsugod. “May pito pa akong laban bago matapos ang araw ko kung pwede bilisan na natin ang laban na ‘to.” Sugod niya ulit sa akin pero mas mabilis pa kaysa kaninang pagsugod niya. Natamaan niya ang shield ko, kaya nahawi ang kamay ko na may hawak na shield sa sobrang lakas ng pwersa niya. Naging open ang mukha at katawan ko sa susunod na atake niya kaya ng bumwelo siya sa ere ng hiwa pababa halos makita ko na ang mukha ko sa talim ng espada niya na para bang nakikita ko na rin ang kamatayan ko. “Mamatay na ba talaga ako dito?” sabi ko sa sarili ko habang kaharap ang matalim at makinang na espada nahihiwa mukha ko ngayon pag hindi pa ako gumawa ng paraan para ilagan ito pero ang tanong kung mailagay ko ba ang atake niya kung sobrang lapit na ang talim ng espada niya sa mukha ko. “Gumawa ka kaagad ng paraan Colt,” sabi ko pa sa sarili ko. “Ilag, ilag, Ilag!” sigaw ko sa loob ng sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD