Chapter 26 - Used

1402 Words
COLT Dahil nakita na nga namin ang mga ibang color lights na nagpuntahan na sa gitna ng safe zone dire-diretso na kaming nakapunta sa cliff. Pinaakyat na ako nila First habang sila naman ay nag-abang na sa ibaba katulad ng plinano. Pagpunta ko sa itaas agad akong humanap ng matatargitin pero wala ako makita, tipong nakita lang namin sila na nagtatakbuhan kanina pero sa isang iglap lang nawala. Nagtago ba sila kagaya ng mga kaninang kalaban namin? “What do you see up there?!” sigaw ni First. “I don’t see enemies!” pa sigaw ko namang sagot. “They probably camouflage!” Yun nga rin ang iniisip ko. “What can I do now?!” tanong ko ulit dahil sa punto na ‘to ngayon hindi ko alam kung saan ako babaril. “Just shoot lightning beams, anywhere you want!” Tumingin tingin ako sa paligid para mamili kung saan ako magsisimula. “But adjust your grip because you might fall on that cliff if the cliff can’t hang on!” Napaisip ako sa sinabi niya, kaya bigla na lang ako napatingin sa tinatapakan ko habang nakatayo. “I forgot about that!” natatakot pero pasigaw kong sabi. “You have a hang glider, you can use that!” Dahil nga ito ang plano namin at binigyan naman ako nang hang gliding ni First para ligtas na makababa sa lupa gagawin ko na rin dahil sayang naman ang pinunta namin dito sa pwesto na ito. “Okay I’ll start, just give me a minute!” pwesto ko ng maayo at hinahanap ko ang balance ko habang nakaupo dahil maari nga akong matulak ng baril ko dahil sa pwersa nito pag bumabaril ako. Pumikit muna ako at huminga ng malalim tsaka ko dinilat ang mata ko matapos kong mahanap ang balance ko habang nakatayo sa cliff. Tumingin ako sa paligid at naghanap kung saan ako pwedeng mag-predict kung nasaan sila. “We can easily win this game, Colt if you blast all of them.” Nagtaka ako sa sinabi niyang ‘yon pero napaisip rin ako bakit hindi na lang nga ganun para tapos, kaya hinanda ko pa lalo ang sarili ko. Ang kamay ko na nababalutan ngayon ng mga microchip ay tinulak ko ang paghawak sa katawan ng baril hanggang sa makakaya ko. Nang makita kong nag-iba na naman ang kulay nito ay bigla ko itong hinatak kaagad. Bumuga ito ng hindi normal na lightning beam dahil mas malakas pa ang binuga nito kaysa kanina at may mga kidlat pa ito sa paligid na hindi mo malaman kung saan tatama habang palaki ng palaki pa ang sinasagop nito. Hindi ko alam kung bakit ako hindi umaatras kaya ng tiningnan ko ang paa ko habang hinahatak ko ang kanan kong kamay dahil natakot ako na baka maputol ito matapos ko magbigay ng mas malakas pang pwersa kaysa sa kanina. Pagtingin ko sa paa ko hindi ko namalayan na pati pala ang kaliwa kong kamay ay binabalot na ng mga microchip hanggang ang iba nito ay tumutulo na sa paahan ko dahil sa sobrang pa init pa ng painit ang buga nito. Ang mga microchip na tumutulo sa paa ko at kumakapit na rin hanggang sa tuhod ko at ito ang pumipigil sa pag tumba o atras ko sa pwesto kaya nakakayanan ko ang pwersa ng legendary gun ko. Halos hindi ko na makita ang buong paligid dahil sa lightning beam na binuga ko. Nang tumagal ng ilang segundo pa ang pagbuga ng isang malaking lightning beam ang legendary gun ko hinatak ko na ng todo ang kamay ko sa kanan hanggang sa makabitaw ito sa katawan baril ko at makita ko na pati ang balat ko ay na sunog na kasabay nito ang pagtunaw ng mga microchip. Naginahawaan ko ng mabunot ko ito pero ang init sa pakiramdam na halos masunog na ang buong katawan ko hanggang sa mahilo na ako at maging blur na ang paningin ka, kaya hindi ko na makita kung anong nangyari. Naramdaman ko na lang na parang wala ng nakakabit na legendary gun sa kamay ko at tumatapak na ako sa kung saan hanggang wala na ako matapakan, nahulog na pala ako sa cliff pero hindi ko alam kung bakit humihinga pa rin ako. Bago ko tuluyan mawalan ng malay talaga naramdaman kong may bumubuhat sa akin, kaya pinilit kong makita kung sino ito pero masyado talagang malabo, kaya inilipat ko ang tingin ko sa iba at luminaw ito ng isang segundo. “Lynx?” pahina kong banggit sa pangalan niya matapos ko siyang makita na nakatakip ang bunganga niya na parang isang hostage hanggang sa mawalan na talaga ako ng malay. Pagdilat ng mata ko nakita ko ang makakapatid na nasa gitna ng safe zone at magkakatabi pa habang kami naman ni Lynx at nasa magkabilang dulo kung saan papalapit na ang danger zone sa amin habang nakatali ang mga kamay namin sa makapag na bakal. Hindi namin kung saan nanggaling ang bagal na ito wala naman ito nung una naming punta. “Hey!” sigaw ko sa magkakapatid na bigla rin namang tumingin sa akin. Hindi nakatakip ang bunganga ko katulad ni Lynx, kaya nakapagsalita ako. “What is going on?!” tanong ko habang pumapalag sa upuan, pinipilit na makaalis dahil ilang minuto na lang at lalapit na ang danger zone sa amin. “Goodbye Colt Trevor,” ani First habang kumakaway kaway pa sa gitna at nakatingin din kasama ng dalawa niyang kapatid. “You two gonna be okay, okay?” nakangiti niyang sabi hanggang sa mag tawanan na silang magkakapatid habang nakaturo sa aming dalawa ni Lynx sa magkabilang pwesto. “Can you untie me and Lynx?!” sigaw ko at patuloy pa rin sa pag piglas sa pagkakatali pero masyado talang mahigpit, imposibleng makawala pa kami. Mula sa kabila naririnig ko na rin si Lynx na nakikiusap na pakawalan siya pero hindi niya ito masabi ng maayos dahil may takip ang bunganga niya. “You and your friend are ediot.” Turo ni First sa aming dalawa ni Lynx habang nagtatawanan ang dalawa niyang kapatid sa likuran niya. “I just used you and your friend to easily win this game dummy.” Tawa pa rin nila. “I don’t get it,” naguguluhan kong sabi dahil hindi ko alam ano na ang nangyayari totoo bang niloloko lang kami ng mga ‘to para manalo? Hindi ba magkakakampi kami kami pero bakit ano na ang nangyayari? “Because you are a dummy Colt,” nalalaking mata niya sa akin habang nakaturo pa rin. “Look.” Turo naman niya sa braso niya tsaka inilabas ni Second ang isang pang spray na hindi ko alam kung ano pero ‘yon na nga ini-spray ito ni Second sa braso ni First at sunod naman sa braso ni Third at tsaka niya ginamit sa kanya. Lumabas ang apat pang na linya sa color lights nila, kaya ngayon napalitan ang takot ko ng galit dahil na gamit nga talaga kami nga magkakapatid na ito at ngayon maari na kaming mamatay ni Lynx kung wala kaming gagawin. “You!!!” inis na sabi ko pero tinatawanan lang nila ako ganun din si Lynx. Hindi ko na alam anong gagawin ko dahil na ipit na kami sa sitwasyon na wala na kaming magagawa dahil pinabayaan namin ang sarili namin na magtiwala kaagad sa mga ito. Ni hindi namin na ramdaman na hindi pala namin sila ka grupo, nakakainis. “I thought we were friends First,” nang gigil kong sabi at napayuko na lang ako sa pagkakaupo dahil sa galit na iniinda ko sa loob hanggang sa maramdaman ko na lang na umiinit ang buo kong katawan na para bang noong huli kong gamit sa legendary gun ko matapos kong mawalan ng malay. Tiningnan ko ng galit sila First at ang masaya nilang reaction at napalitan paunti unti ng takot hanggang sa ma-iiba na rin ang nakikita ko sa paningin ko, nagiging orange ang mga kulay ng paligid at tila ba nag-zozoom ito sa mga mukha ng magkakapatid. Napapikit ako at inilipat ko ang tingin ko sa paahan, doon ko nakita na ang buong katawan ko pala ay nagkakaroon ng maraming orange c***k line hanggang sa katawan ko at feeling ko hanggang sa mukha ko rin na kamukhang kamukha ng huli kong kita sa legendary gun bago ko hatakin ng kanan kong kamay sa body nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD