COLT Nakabalik naman kami ng ligtas kala Lynx sa taas ng building at inabutan pa rin namin silang hambning na natutulog kaya humiga na rin si First sa tabi ng mga kapatid niya. Ako naman ay nakaupo lang sa gilid habang nakalaylay ang paa ko sa mataas na palapag. Nagmamasid ako sa madilim na paligid at iniisip kung makakaligtas ba kami sa larong to bukas dahil may 1 araw pa kami pagkatapos non. “You should sleep too Colt because we have to find red or blue colored lights as soon as possible,” ani First. Lumingon ako sa kanya. “What would happen if we didn’t find blue or red colored lights because the other team killed them when they saw color lights?” Tumayo ako at lumapit sa tabi ni Lynx para umupo. Bumangon naman siya sa pagkakahiga niya at umupo bago humarap sa akin. “It’s either pla

