CINDY'S POV "Eat, Hon! Hindi ka pa kumakain mula kaninang lunch, right?" Nilagyan ni Yani ang plate ko ng food. Ngumiti ako sa kanya. "Thank, Hon, gutom na nga ako, e." I said at saka nag-start na sumubo ng pagkain. Tahimik lang ang mga kasama namin dito sa long table. Ramdam ko rin ang matutulis na tingin sa akin ni Dave at Dionne. Masyado bang pasabog ang entrance ko? Just wait, there's more. Hindi pa nga nagsisimula ang pool party, e. Feel ko nga na ang daming gustong itanong or sabihin sa akin ni Dave pero hindi niya magawa dahil nga kasama ko si Dave pati ang pamilya nila. Nilingon ko si Yani na sarap na sarap sa kinakain niyang seafood. "Stay healty?" Pang-aasar ko sakanya. Kumuha ako ng tissue para punasan ang labi niyang makalat. "Ang kalat mo pang kumain!" I said habang pin

