TUMANGGI sa alok ni Dave si Cindy na dalhin siya nito sa Hospital. Hindi rin malaman ni Dave ang gagawin niya at kanina pa balisa at parang takot na takot si Cindy. Nagpahatid na lamang si Cindy sa bagong bili nito na Condo Unit. Nagtaka pa si Dave na kung bakit bumili ito ng bagong Unit sa ibang building at malayo sa dati nitong tinutuluyan. Puro bago pa ang kagamitan. Puro may nakabalot pang cellopane sa mga gamit nito na halatang bagong bili. Nagtataka tuloy si Dave kung ano ang problema ni Cindy. "Drink," inalok ni Dave ng tubig si Cindy nang nai-upo niya ito sa bagong sofa. "What's wrong, hey, look at me, Cindy." Pilit na kinakausap ni Dave si Cindy pero para itong takot na takot na tumitig sa kanya. Tanging hikbi lang ang naririnig sa kanya. Para bang ngayon lang nag-sink in s

