DAVE'S POV "Yes, Ma'am, I'll never leave your Daughter. I'll promise na hinding-hindi ko siya paiiyakin. Unless it's our wedding day, Ma'am," Kinabahan pa ako pero tinapangan ko na lang. Nakaka-awkward ang mga ngiti niya. Para bang naka-ngiti lang siya pero parang pinapatay niya na ako sa kanyang isipan. Nakakatakot pala ang humarap sa Mommy ng babaeng mahal mo. "Huwag na ang Ma'am, nakakatanda naman 'yan," Sabi niya at tumawa saglit. "Pero kapag binaliwala mo 'yang promise mo, ako ang makakaharap mo, Ijo. She's my precious Daughter, she's my gem, kaya ingatan mo siya gaya ng pag-iingat ko sa kanya mula pagkabata niya pa lang. I know ngayong malaki na siya ay hindi ko na siya gaanong nababantayan. But still, She's important to me, okay?" She said. Napalunok pa ako ng mga tatlong beses ng

