CINDY'S POV Totoo nga si Dave sa kanyang sinabi na hindi niya na pinapasok pa si Dionne sa kanyang office. Lagi niya na akong kasama sa kanyang work para daw mapanatag ako at mabantayan niya rin daw ako kahit nasa work siya. Nag-prisinta ako na ako na lang ang gagawa ng mga gawain para sa pagiging secretary niya. Pumayag na rin siya since makulit ako at ayoko naman ng nakatunganga lang sa loob ng office habang siya ay maraming ginagawa. Lumipas ang isang buwan na ganoon lang ang nangyayari hanggang sa bumalik na sa trabaho ang kanyang secretary talaga kaya wala na rin akong nagagawa ngayon. Nababagot ako kaka-upo sa sofa at pinagmamasdan lang siyang seryosong nakatingin sa kanyang laptop. Kinukulit pa rin siya ni Dionne. Lagi itong tumatawag sa kanya kaya ako ang pinapasagot ni Dave p

