Author's note : (Dito ko na lang lalagay. Since 'di ko alam bat ayaw mapindot ng Author's keme dito sa website. Hehe.) Kasali po sa main characters ko sila Zhander at Minzy kaya may pahapyaw po ako sakanila. Ayun langs. Thanks. ~ (Before the Wedding. Minzy and Zhander's POV) Minzy's POV Hinatid ako ni Zhander sa condo. Buong biyahe ay hindi siya umiimik. Tinanggal niya yung seatbelt niya atsaka lumabas para pagbuksan ako ng pintuan ng kotse. Parang ayokong bumaba. Ayokong umalis. Pwede bang dito nalang ako? Kung saan kasama ka Zhander. Pwede mo ba akong dalhin kung saan? 'Yong malayo sa problema. 'Yong tayo lang dalawa, 'Yong matatakasan ang lahat nang 'to? Sana nasasabi ko lahat ng naiisip ko ngayon sakanya. "Hinihintay ka na ni.. Dave " Sabi niya. Dahan-dahan akong bumaba mula sa

