Chapter 27 Hindi rin nagtagal ang byahe nila at ilang minuto lang ay nasa Manila na sila at inaanunsyo ng piloto. Napaayos ng upo si Samantha dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang tumitig lang sa cellphone niya habang nagsesearch tungkol sa gobernador. Nang humudyat na ang mga cabin crew ay nakita ni Samantha na umalis sa upuan ang bata na nasa kabila at nagulat siya nang tumungo eto sa kanila ni Alejandro. “Kuya Jan! Ang saya palang sumakay ng airplane!” anito at hindi mapigilan na mapatingin si Samantha rito. Kuya Jan? “Don’t worry, baby, sasakay tayo ulit ditto pag uwi natin.” Samantha tries to retrieve the articles she just read a while ago and none of it stated na may anak eto o kapatid. Baby? “Let’s go?” anito at nakita nyang tumango ang bata at tuluyan na nga silang tum

