Kabanata 27 "Dana, sa susunod ipagtanggol mo naman sarili mo. Oo masama ang maghiganti pero masasanay sila kong parati kang nagpapaapi. Tinggan mo sarili mo, ano mamaya sasabihin natin kay Eros kung makikita niya ito?" malambing na sabi ni Mommy habang inaayos ang aking buhok. Mahapdi parin ang aking pisngi at medyo namumula rin. May mga galos ako sa kamay at braso dahil sa haba ng koko ni Ate, mahapdi rin iyon at may kaunti pang dugo. Napapadaing nalang ako habang pinupunasan ko ang maliliit na sugat na natamo ko kay Ate, kahit maliit lang may mararamdaman ka paring hapdi. "Ako nalang po ang magpapaliwanag sa kanya, My. Wala rin po kasi siyang alam na makikipagkita ako kay...ahm..kina Ate." I was about to say Mommy... Kita ko ang pag-iling ni Mommy, "Mabait si Eros, Dana. Pero kapag n

