Kabanata 23 Ang saya ng araw ko ngayon, masilayan ko lang ang tatlo na masaya ay kompleto na ang araw ko. Matapos nilang maligo sa pool ay pagod na pagod silang tatlo, nasa sulok lang sila at nanonood ng movie habang sina Eros at kaibigan niya ay nagkukwentuhan. Ang mommy naman ni Eros ay nagpaalam na may pupuntahan at si Mommy naman, as always may inaasikasong business sa kanyang silid. "Mommy, I'm tired." Reklamo ni Elliot sabay upo sa aking hita. Siniksik niya ang kanyang ulo sa aking dibdib. "Are you happy, Elliot?" I asked him. Isang tipid na tango lang ang kanyang sinagot sakin, nakapikit na siya at halatang pagod na pagod talaga. Hinaplos ko ang kanyang ulo bago ko pinatakan ng halik. "I love you baby." I whispered and hugged him tight. "I love you too, Mommy." napatingin ako

