Chapter 17

1480 Words
MESSY: PARA akong may sayad na nangingiting mag-isa habang naiisip ang scene namin ng baby ko kanina. Nakaupo ako sa bench dito sa garden habang hinihintay ang baby ko na bumalik at gumawa siya ng kape namin. A soft smile stayed on my lips the whole time. Because deep inside. . . I felt like I finally had hope. Hope that maybe–just maybe. . . Heath liked me too. Sa ginawa niya kanina ay binigyan niya ako ng pag-asa. Pag-asa na mapapasagot ko rin siya. Sure, his words were always cold. He acted strict most of the time. And he rarely admitted anything directly. But his actions? Completely different story. Madalas man ay masungit ito o seryoso, paminsan-minsan ko lang mahuli ang kiliti niya. Mapatawa siya, mapangiti, mapasabay sa mga kalokohan ko. And that's fine. The fact that he immediately followed me outside earlier after I walked out because of jealousy and even tried comforting me? That alone already meant a lot to me. Enough for me to hold onto. Enough for me to believe that maybe his feelings for me weren’t one-sided anymore. Hindi siya maaalarma at magpapaliwanag kung wala siyang pakialam sa feelings ko. Maybe he was simply scared. Or maybe there were things stopping him from admitting what he truly felt. That’s why I decided to be patient with him a little longer. Alam kong ni minsan, wala pang nagiging girlfriend si Heath. Wala pa itong niligawan at kahit babae na ang naghahabol sa kanya, wala itong pinapatulan. He's a nice and worth guy to wait for. Besides. . . he still didn’t know the truth about me. He still thought I was just a spoiled, dramatic, clingy rich girl who kept getting hurt accidentally. He didn’t know–that I wasn’t weak at all. That behind all my whining and flirting. . . I was actually one of the most feared women in the mafia world. A heartless mafia queen. Minsan ay gusto ko na ring ipagtapat kay Heath ang tungkol dito. Pero nag-aalangan ako. Nag-aalangan na baka lalo niya akong hindi matanggap. Baka ma-turnoff na ito sa akin at tuluyan akong bastedin. **** While I was quietly waiting in the garden, my phone suddenly rang. Madison. I immediately answered the call. “Hey, sis, what's up? “Hey, sis, morning.” She greeted from the other line. “We found another lead about Mr. Lim.” My expression instantly became serious. The old bastard again. Muntik ko na siyang mahuli noong nakaraan, masyado lang siyang madulas. I leaned back against the bench while listening carefully as Madison explained everything they discovered about the syndicate’s movements and plans. “Don't worry, sis, this time. . . wala nang kawala ang matandang iyon. Kami na ni Yanna ang bahalang maghatid sa kanya sa kamatayan niya.” She said calmly but determinedly. A dangerous glint flashed across my eyes. Honestly? I wanted to kill Mr. Lim myself. After what happened the last time we encountered his group, I already promised myself I’d personally end him. “Wait for me. I'll come with you,” I said. Madison immediately rejected my idea. “You’re still injured,” she said firmly over the phone. “Rest first. Yanna and I already have a plan to trap him together with his men.” I frowned. “I can still fight. Ang liit ng sugat ko para hindi makakilos, Madie. You know me.” “No.” “Madison–” “Behave for once in your life, Messy.” I rolled my eyes of what she said. “Muntik ka nang mamatay noong nakaraan. Kaya ipaubaya mo na ito sa amin ni Yanna. We won't disappoint you, sis. So just take a rest.” Napahinga ako ng malalim. Nakakainis. Nabo-bored nga ako na nakukulong ako sa bahay e. “Fine. But make sure. . . you two comeback safe, Madie.” Sumusukong pagsang-ayon ko. “We will, sis. Don't worry.” After she said that–she hang-up the line. Napanguso ako na ibinaba sa mesa ang cellphone ko. Malaking sindikato si Mr. Lim. Kung ako lang, gusto kong ako mismo ang haharap at tatapos sa kanya. But no matter how stubborn I was, I trusted my sisters completely. Ayokong isipin ni Madison na wala akong bilib sa kakayahan nila. We grew up together. Trained together. Fought together. And I knew how terrifying Madison and Yanna could become during missions. Well, sa aming apat na babae, si Ate Mackenzie talaga ang pinakamahusay sa amin. Kaya nga ito ang unang naging leader sa amin e. Saka lang siya bumaba sa pwesto nang magpakasal na ito at bumuo ng pamilya. Dad asked us who would be the next to wear the crown and sit on the throne. Madison and Yanna agreed that I should become the next queen. Kaya ako ang naupo sa pwesto at namuno sa mafia namin. NAPATUWID ako sa pagkakaupo nang malingunan ang baby ko na palabas na ng villa at may dalang tray. I smiled while watching him hold that tray and walk towards me. Ang hot talaga ng baby ko. “Hi, baby.” I greeted him with a sweet smile on my lips. Napailing lang naman ito na may munting ngiti sa labi. Inilapag niya sa mesa ang dala at kinuha ang isang mug ng kape na inilapag sa harapan ko. “I heard you earlier, who called you?” he asked and sit beside me. Napanguso ako na dinampot ang kape ko. “Uhm. . . nothing. Don't mind him, he's not that important thou,” I lied. Gusto kong subukan ang baby ko. Kung ano ang magiging reaction niya. Napangisi ako sa isipan habang nakatitig ditong naningkit ang mga mata na napatitig din sa akin. “Him? Lalake ang tumawag sa'yo? Akala ko ba ako lang ang lalakeng nand’yan sa contact list mo–maliban sa pamilya mo, hmm?” pag-uusisa nito na lalo kong ikinadiwang. “Hmm. . . yeah, I said that. And that's true, baby. Pero–hindi ko naman kontrolado ang ibang lalake na naghahabol sa akin at gagawin lahat makuha lang ang number ko, ‘di ba?” pag-aarte ko na ikinalukot ng gwapo niyang mukha. Bingo! He looks upset and a jealous boyfie! “Block him.” He commanded me. Napangiti ako na nagpa-cute pa nga dito. “Too late. He already knew my number, baby. Even if I'll block his number, he'll just use a new one and call me again.” Pagpapabebe ko ditong lalong napabusangot. “Are you jealous, baby?” Napailing ito na sumimsim sa kape niya. “I'm not. Bakit, may karapatan ba ako?” aniya na ikinalapad ng ngiti ko. “Well, you don't have to, baby. Ikaw lang naman ang baby ko e. Besides, no one knows my cellphone number except my family and you.” Wika ko at sumimsim din sa kape ko. Nangunotnoo naman ito na napatitig sa akin. “What do you mean? Kasasabi mo lang–” Inabot niya ang cellphone ko at tinignan ang call logs ko. Nangingiti naman akong nakatitig ditong napapikit na mabasa kung sino ang tumawag sa akin. Namula pa ang pisngi nito na pinaningkitan ako. “Ikaw–” “Just admit it, you got jealous, baby. Ikaw talaga. I knew it. You like me too. Well. . . gustong-gusto rin naman kita e. Kaya hwag ka nang mahiya.” Kindat ko ditong napailing na ibinaba ang cellphone at nagpatuloy sa kape niya. I think Heath already accepted the fact that I’d cling to him twenty-four seven. Because at this point, he barely even reacted anymore whenever I suddenly hugged him from behind or rested my chin on his shoulder. Hindi ito makaangal sa akin. At sa nakikita ko naman. . . hindi sa wala siyang pagtingin sa akin. Kundi–may iba itong inaalala kaya ayaw niya pang umamin sa akin. “What are you doing?” utal niyang tanong nang dahan-dahan kong ilapit ang mukha ko sa kanya. “I want to kiss my baby. Can I?” malambing kong ungot dito na napangisi sa akin. “You haven’t brushed your teeth yet.” Namilog ang mga mata ko at inamoy ang hininga ko pero mabango pa naman! “Ikaw! Ang sama mo sa akin ha? Wala akong bad breath!” sikmat ko ditong napahagikhik. “Hindi ko naman sinabi na mabaho ang hininga mo a. Naalala ko lang. . . hindi ka pa nagsisipilyo e.” Aniya na nakurot ko sa brasong napadaing at tawa. “Kainis ka. Laplapin kita e!” “Fvck!” nasamid ito na naibuga ang kape kaya napahagikhik ako. "Watch your mouth, ano ka ba?" "Oops, sereey, baby. Wala e. Mahal kita." "Haist. Paano ka ba ginawa ni Tito Delta, hmm? Ang lala mo e." Ingos nito na muling humigop sa kanyang kape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD