CHAPTER 6

1513 Words
Pawisan at walang lingon na iniwan ni Bryce ang dalaga sa kusina. Nagagalit siya sa ginawa ni Blaire sa kaniya, pero mas nagagalit siya sa sarili dahil mabilis na tinutugon ng katawan niya ang mga pang-aakit nito. Agad siyang dumiretso sa garden. Nagpalakad-lakad siya sa gazebo. Dinukot niya mula sa bulsa ang panyo at agad na pinunasan ang pawis na namumuo sa kaniyang noo. “F*ck you, Blaire!” asik niya, pilit kinakalma ang sarili. Napatingin siya sa kaniyang pantalon–sa pagitan ng mga hita. Mas lalo siyang napamura nang makita ang pamumukol nito. “Sh*t! Bwisit kang babae ka!” Nauuhaw siya kanina kaya naisipan niyang pumunta sa kusina matapos magpaalam ni Alexa na maliligo. Habang naglalakad ay tumunog ang message alert tone niya kaya agad niyang dinukot ang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon. Hindi niya alam na naroroon pala sa kusina ang dalaga kaya muntik pa niya itong mabangga. Kung alam niya lang na naroroon ito ay mas gugustuhin pa niyang magtiis ng uhaw kaysa ang makasama ito sa isang lugar na sila lang na dalawa. Magmula nang may nangyari sa kanila ay hindi na maalis sa isip niya ang babae. Lagi niyang naaalala ang mga halik nito. Ang bawat ungol at daing, pati na ang paraan ng paghaplos nito sa kaniya na kahit abala siya ay bigla na lang nagsusulputan sa isip niya. At mas lalo siyang nagagalit dahil mabilis na binubuhay ng mga pangyayaring ’yon ang natutulog niyang alaga sa tuwing sumasagi sa isip niya. “Argh! Bwisit!” Sinabunutan niya ang buhok at mariing napapikit. At sa pagpikit ng kaniyang mga mata, muling sumagi sa balintataw niya ang mukha ng dalaga–nakapikit at bahagyang nakaawang ang bibig. Sarap na sarap habang nagtataas-baba sa ibabaw niya. Kanina nang sabihin sa kaniya ng dalaga na okay lang sampalin niya basta hindi kamay ang gagamitin, bigla niyang na-imagine ang dalaga na nakaluhod sa harap niya habang sinasampal-sampal niya ng kaniyang sandata ang pisngi nito. “Sa susunod, pipilipitin ko na talaga ang leeg mong babae ka,” gigil niyang sambit sa sarili. Hindi na siya nakapagpigil. Mabibilis ang hakbang na tinungo niya ang banyo na pinagbabanlawan tuwing naliligo sa swimming pool. Kaagad niyang ini-lock ang pinto pagpasok at may pagmamadaling kinalas ang sinturon. SAMANTALA, sa may ’di kalayuan ay aliw na aliw naman si Blaire na pinagmamasdan ang lalaki na tila ba natutuliro. Sinundan niya ito kanina nang lumabas sa kusina. Nagtaka pa siya nang makitang lakad-takbo itong lumabas sa gazebo. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang masigurong walang tao na puwedeng makakita sa kaniya ay walang ingay niyang sinundan ang binata. Mabilis itong nakarating sa banyo na nasa dulong bahagi ng bahay nila. Idinikit niya ang tainga sa dahon ng pinto. Sa una ay tahimik lamang sa loob, pero ’di kalaunan ay unti-unting siyang nakarinig ng mahinang tinig na tila ba hinihingal. “Ugh . . . ” anang tinig ni Bryce. Namilog ang mga mata niya. Napasinghap siya kaya agad niyang tinakpan ang bibig upang hindi siya nito marinig. Nakagat niya ang ibabang labi habang napapangiti. Ilang sandali pa ay bahagyang lumakas at naging sunod-sunod na ang mga daing na naririnig niya sa loob. Nanindig ang mga balahibo niya. Napalunok siya nang maramdaman ang pagbalot ng matinding init sa kaniyang katawan. “Ugh! Sh*t! F*ck!” Mas lalong lumakas ang ungol at tila ba hingal na hingal ang binata. “Ugh...” Maya-maya pa ay narinig niya ang mahabang daing nito na animo nasasaktan. Kagat ang ibabang labi na hinintay niyang lumabas si Bryce. Hinanda na niya ang sarili para asarin ang binata sa paglabas nito. Makaraan ang ilang sandali, bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang binata na pawisan at bahagyang naghahabol ng hininga. Napahinto ito sa paghakbang palabas. “K-Kanina ka pa ba diyan?” namimilog ang mga matang tanong ni Bryce na para bang nakakita ng multo. Bigla nitong nabitawan ang puting panyo na ipinangpupunas sa pawisan nitong leeg. Nawalan ng kulay ang mukha nitong puno ng pawis. “Yes, brother. Kanina pa. Sana sinabi mo kaagad sa akin na nag-iinit ka para naman natulungan kitang makaraos.” Sumilay ang pilyang ngiti sa mga labi niya habang nakapatong ang mga braso sa d*bdib. Tumalim ang mga mata ng binata. Lumapit ito sa kaniya at mariing pinisil ang pisngi niya. “I will never let anything happen between us again, even if you were the last woman on earth. Itatak mo ’yan sa kukote mo!” Dinutdot nito ang sintido niya habang nanlilisik ang mga mata. Mas lalo siyang napangiti sa tinuran ng binata. “Talaga ba? Kaya pala ang bilis mag-react ng katawan mo.” Pang-aasar pa niya dito. Umangat ang dalawang kamay ni Blaire at marahang hinaplos ang maugat na braso ni Bryce na namamasa pa sa pawis. Umigting ang panga nito saka pabalya siyang binitawan. Mabibilis ang hakbang na iniwan siya ng binata. Ipinatong niya ang mga braso sa d*bdib. Muli siyang nagpakawala ng pilyang ngiti habang nakatingin sa malapad na balikat nito. “Next time huwag kang mahihiyang magsabi, ha? Mabilis akong kausap!” Pahabol pa niya dito kaya mas lalo nitong binilisan ang lakad. Napapailing na tinungo niya ang likod ng bahay. Pakanta-kanta siya habang papunta sa kusina. Hindi niya pa rin mapagilang mapangiti kapag naaalala ang ginawa ni Bryce. Nakadama siya ng katiting na pag-asa. Kung nagagawa niyang pag-initin ang katawan nito, nasisiguro niyang magiging madali na lang niya itong maaakit sa susunod. Pareho pang napatingin sa kaniya sina Mary at Nana Cedes pagkakita sa kaniya nang dumaan siya sa laundry area. Kumaway siya pagkakita sa mga ito saka lumapit. “Nana, ano po pala ang lulutuin ninyo mamaya?” usisa niya kay Nana Cedes na abala sa pagsasampay ng mga nilabahang damit. “Adobong manok at saka chop suey,” tugon nito na bahagya lang lumingon sa kaniya saka muling ipinagpatuloy ang ginagawa. “Tutulong ka po ulit, Ate?” tanong naman ni Mary na inililigpit na ang mga sabon pati na din ang ibang kagamitan na ginamit sa paglalaba. “Oo,” tumatangong sagot niya dito, nakangiti. “Naku! Kering-keri mo na pala mag-asawa, Ate! Marunong ka na magluto, marunong din maglaba. For sure araw-araw uuwi nang maaga ang magiging asawa mo para matikman ang mga luto mo,” tila kinikilig pang sambit ni Mary. “Ay oo naman! Kapag naagaw ko na si Bryce kay Alexa, mag-aasawa na ako,” nakabungisngis niyang tugon. “Beng! ’Yang bibig mo!” Saway ni Nana Cedes sa kaniya. Bakas sa mga mata ang pag-aalala bago inilibot ang tingin. Marahil ay natatakot itong may makarinig sa mga pinagsasabi niya. “Si Nana talaga, oh! Hindi na mabiro!” aniya sa matanda. “Mag-almusal ka na muna doon, baka gutom lang ’yan.” Pagtataboy nito sa kaniya. Natatawang iniwan niya ang dalawa. Papasok na sana siya ulit sa kusina para mag-almusal pero nakita niya si Bryce na umiinom ng tubig. Halos inisang lagok nito ang laman ng baso saka nagsalin ulit. Muli siyang napangiti lalo na at alam niya ang dahilan ng labis na pagkauhaw ng lalaki. Gusto na naman sana niya itong asarin ngunit hindi na niya itinuloy dahil baka bumaba na si Alexa. Tahimik siyang tumalikod. Tinungo niya ang hagdan upang umakyat sa sariling silid. Nakasalubong pa niya ang kapatid na bagong ligo at nagmamadaling bumaba suot ang isang pink off shoulder summer dress. Nakasukbit sa balikat nito ang shoulder bag na kulay puti at puting strappy sandals naman ang suot nito sa paa. “Good morning, Ate! May date kami ni Bryce. Have you seen him?” kumikislap ang mga matang tanong sa kaniya ng kapatid habang pababa sa hagdan. “Nadaanan ko siya sa kusina, umiinom ng tubig. Mukhang uhaw na uhaw. Painumin mo siya lagi, ha? Baka mamaya mauhaw ’yan sa iba...” nakangiti at makahulugang sagot niya. “What? Ano po ba ang pinagsasabi mo, Ate?” Napahinto ito sa paglalakad, napakunot-noo. “Mauhaw sa iba... Ibang inumin kagaya ng juice, gano’n. Mas maganda kasi kapag tubig lang, mabalis mapawi ang uhaw. Ano ba ang iniisip mo?” kunwa’y natatawa niyang tanong. Huminga muna nang malalim si Alexa bago muling nagsalita, “Hindi mahilig sa juice ang fiance ko. Sige po, aalis na kami,” kapagkuwa’y paalam nito. “Okay! Bye! Enjoy kayo!” Sinundan niya ng tingin ang kapatid habang may mapaglarong ngiti sa mga labi. Nakita pa niya nang lapitan ito ni Bryce pagkababa nito sa hagdan. Hinawakan nito sa siko ang kapatid niya saka inalalayang maglakad. “Lumpo lang? Kailangan pang alalayang maglakad?” aniya sa sarili, pilit binabalewala ang kirot na nararamdaman sa puso. Napairap siya sa hangin. Muli siyang humakbang at nagmamadaling tinungo ang silid. Masakit para sa kaniya na ang lalaking mahal na mahal niya ay masaya na sa iba habang wala itong kaalam-alam na niloloko lang pala ito. “Hinding-hindi ko hahayaang lokohin mo lang siya, Alexa. Hindi niya deserve ang mapunta sa isang kagaya mo.” Pinuno niya ng hangin ang d*bdib saka dahan-dahang ibinuga. Paulit-ulit niyang ginawa iyon hanggang sa mawala na ang sakit na nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD