EPISODE- 1

1711 Words
=AMIEREY= WALA akong nagawa ng sapilitan akong ipakasal ni Ate Soledad. Sa lalaking binayaran niya ng malaking halaga upang akuin ang aking kahihiyan. Sapagkat buntis na ako ng dalawang buwan. Sa lalaking kahit mukha o pangalan ay hindi ko matandaan o tamang sabihin na hindi ko kilala. Ngayon ang gabi ng aming honeymoon ngunit wala ang aking asawang si Aries. Umalis ito at ang sabi niya sa akin ay hindi raw ako ang babaeng gusto niyang makasiping. Kaya heto ako at nag-iisa sa isang malaking silid. Gano’n pa man ay ayos lang sa akin dahil hindi ko rin naman siya gustong makatabi sa higaan. Lalo pa at laging hindi maganda ang aking pakiramdam. Isang umaga habang kumakain kami ng almusal ay bigla ang pag baliktad ng aking sikmura. Kaya mabilis akong tumakbo sa lababo upang doon ilabas ang mga kinain ko na hindi gusto ng aking tiyan. “F*ck! Hindi mo ba nakikita na kumakain ako at diyan ka pa talaga sumuka?” “I’m sorry, malayo kasi ang banyo kong tatakbo pa ako doon ay baka abutan ako sa sahig.” mahinahon kong paliwanag sa kanya. “Whatever! Ikaw na ang kumain mag-isa dahil wala na akong gana!” sabay alis niya at iniwan akong mag-isa. Kaya na upo na lang ako at ipinagpatuloy ang aking pagkain. Nang matapos ay niligpit ko ang mga pinagkainan. Bago ako lumabas at nag dilig ng mga halaman. Sa paglipas ng mga araw ay pahirap nang pahirap ang aking pagbubuntis. May mga pagkakataon na halos wala na akong maisuka. At kahit gusto kong sabihin sa asawa ko ang hirap na dinaranas ko ay hindi ko naman magawa. “Dahil sa kalandian mo kaya magdusa ka. Pati ako ay dinamay mo sa kamalasan ng buhay mo!” malakas niyang sigaw ng umagang makita niya akong nagsusuka. Pagkatapos ay agad niya akong tinalikuran. At ang tangi kong nagawa ay tahimik na umiyak. Nang sumapit ang gabi ay nakaramdam agad ako ng antok kaya maaga akong nahiga. Ngunit nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa naririnig kong kakaibang ingay. Kaya nagmamadaling bumangon at lumabas ako ng silid. Naulinigan ko kong saan naggagaling ang ingay na yon kaya humakbang akong patungo doon. Itinulak ko ang pinto upang alamin kung ano yon subalit nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Ang aking asawa ay walang saplot habang may katalik na ibang babae. “What the hell are you doing here, get out!” sigaw niya sa akin ng makita niya akong nakatayo sa pintuan. At kahit nakakaramdam ako ng galit ay tumalikod na lang ako at iniwan ko sila. Bumalik ako sa higaan ko at sinikap na bumalik sa pagtulog. Agaw antok ako ng marinig ko ang pagpasok ng aking asawa kaya nagpanggap akong tulog. Subalit nagulantang ako ng maradaman ang kamay niya sa aking hita. Pumasok agad sa isipan ko ang babaeng katalik nito kanina. At sa puntong yon ay malakas ko siyang tinulak palayo saka ako bumangon. Pagkatapos ay humakbang akong palabas ng pinto ng magsalita siya. “Akala mo ay interesado ako sayo? Hoy! para sabihin ko sayo ay nandidiri ako iyong katawan. At kaya lang ako pumayag na pakasalan ka dahil malaking pera ang binigay sa akin ng iyong kapatid. Sa akala mo ba ay gusto kong maging asawa ang babaeng pinagsawaan na ng iba?” hindi ko na siya pinansin at mabilis na akong humakbang palayo. Totoo naman ang sinabi niya kaya hindi ako nakaramdam ng galit. Alam ko rin na kaya hanggang ngayon ay hindi niya ako magawang tabihan dahil nandidiri siya sa akin. Ang pinasasalamatan ko na lang kahit lasing siya ay hindi niya ako pinupwersa. Ngayon ay tatlong buwan na ang aking tiyan. At mas lalo na akong nahihirapan sa paglilihi. Lagi din akong nagigising ng madaling araw. Kagaya na lang ngayon, kahit nahihilo ako ay sinikap kong makapunta ng kusina. Gusto kong uminom ng gatas at pagdating ko doon ay napahinto ako sa pagpasok. Naroon sa dining room ang asawa ko kasama ang babae niya habang nagtatalik. At kahit gusto kong umalis ay craving naman ako sa gatas. Kaya tumuloy pa rin ako at tila walang pakialam na binuksan ang fridge. Kumuha ako ng gatas at pinainit sa microwave. Pagkatapos ay binilisan kong inumin iyon. “Hindi ka ba naiinggit sa ginagawa namin ng asawa mo?” tumingin lang ako sa kanila at dumiretso na ng alis. Sa edad kong nineteen-year-old ay wala akong alam sa kalakaran ng buhay may asawa. Hindi ko rin nga alam kung ano ang dapat na maging reaksyon sa tuwing nagdadala ng babae ang asawa ko dito sa bahay. Ang tanging alam ko lang na baboy na ang bahay namin sa iba’t-ibang babaeng inaakyat niya dito. Kaya sinubukan ko siyang kausapin. “Sa tagal ko ng ginagawa ito bakit ngayon ka lang yata umangal? Mahal mo na ba ako kaya nagseselos ka na ngayon?” “Hindi gano’n yon, ang gusto ko lang ay huwag mo sana ditong dalhin ang mga babae mo. May hotel naman at doon na lang sana kayo magtalik.” “Bakit bibigyan mo ako ng pambayad sa hotel?” “Marami ka namang pera. ‘di ba milyon ang binayad sa iyo ni Ate Soledad?” “Ubos na iyon dahil natalo ako sa sugal. Kaya kung ayaw mong dito ko dalhin ang mga babae ko ay bigyan mo ako ng pera." "Pero wala naman akong pera, iyong binigay ni Ate Soledad ay para lang sa pagkain.” “Pwes! Magtiis ka at huwag mag-reklamo, isa pa ay pamamahay ko ito kaya kahit anong gawin ko ay wala kang pakialam!” “Bigyan mo naman sana ako ng konting respeto…. “Respeto ba wika mo? hoy! babae huwag mong hingin sa akin ang salitang yon. Dahil hindi nababagay sa isang tulad mo!” “K-Kung gano’n ay isang babae na lang sana ang i-uwi mo dito at huwag na ang iba.” “Wag mo akong pakialaman, kung hindi mo masikmura ang ginagawa ko ay lumayas ka sa bahay ko!” “Bakit mo ako palalayasin dito, ay binayaran ka naman ni Ate Soledad?” “Gano’n pala eh ‘di wag kang magreklamo. Kung gusto mong manatili ka sa bahay ko!” hindi na ako sumagot at tinalikuran ko na lang siya. Pumasok na lang ako sa aking silid at mabilis na naligo dahil check up ko pala ngayon. Dapat maaga akong makarating sa clinic ni Doktora. Upang hindi ako mapunta sa pinakahuling pila ng mga pasyente. “Hello, kumusta ang pinakamaganda kong pasyente?” nakangiting tanong sa akin ni Doktora matapos kong maupo sa harapan niya. “Ayos naman po.” “Halika mahiga ka doon at silipin natin si Baby mo.” “Sige po Doktora.” At mabilis kong itinaas ang aking maternity dress. Pagkatapos ay nahiga na ako, nilagyan naman niya ng gel ang aking tiyan. kaya tumingin ako sa monitor. “Ayan si Baby mo, mukhang lalaki dahil napakalikot niya.” “Totoo po ba?” “Yeah…. What the hell!” napalingon ako kay doktora dahil sa bigla niyang pagmumura. At mabilis kong naibaba ang aking damit nang makita ang lalaking nakatayo sa gilid. Bahagya pang nagsalubong ang aming mata ngunit agad akong nagbaling ng mukha. Dahil nakaramdam ako ng kakaibang takot at the same time ay kumalabog ang aking dibdib. Grabe kakaiba ang kagwapuhan ng lalaking ito. Isa pa ay parang familiar ang mukha nito. Hindi ko lang alam kong saan ko siya nakita. At nakahinga lang ako ng maluwag ng sumara na ang kurtina. “Bakit ka naririto Lash?” “Bakit hindi ba ako pwedeng pumunta dito?” “Asshole! Hindi ka dapat dito nagpunta kundi doon sa emergency room!” “Alam mo ang sitwasyon ko, sige na bilisan mo ng alisin ang bala at linisin ang sugat ko.” “Hanggang kailan ka ba sa trabaho mong yan ha? Kailan ka hihinto kapag patay ka nang tarantado ka?” “Huwag mo na akong sermunan, bilisan mo na lang at nang makaalis na ako.” “Kapag hindi ka talaga tumigil sa ganyang trabaho mo ay makakarating na kay Tita Marilou!” “Whatever! Akala mo naman ay magagawa mo yon huh!” “Ah. Gano’n, sige tatawagan ko siya ngayon din.” “Oops! Akina nga ang cellphone mo at mamaya mo na siya tawagan kapag nakaalis na ako dito.” Few minutes later…. Kanina pa tahimik siguro umalis na iyong lalaki. Kaya naman habang nagsasalita ako ay sinabayan ko ng hawi sa kurtina. At halos matulon ko ang aking dila nang tumambad sa aking mata ang hubad na katawan ng lalaki. “Sweety, wait lang at malapit nang matapos itong ginagawa ko.” “Ahm, sige po Doktora. Pasensya na po ang akala ko ay w-wala na ang pasyente mo.”sabay sara ko ng kurtina. “Hindi ko siya pasyente kaya lang ay hindi ko magtiis ang tarantadong ‘to.” tumahimik na lang ako at hindi na sumagot habang naghihintay sa pag-alis ng lalaki. “Go! Nakakaabala ka sa aking pasyente.” “Salamat, kaya mahal na mahal kita eh dahil hindi mo talaga ako kayang tiisin, bye.” “Gago! Huwag mo akong bolahin, alis!” “Wait lang, sino pala ang napakagandang pasyente mo?” “Babaero ka talaga, alam mong buntis na ay gusto mo pang pag-intresan!” “Grabe ka naman, para nagtatanong lang huh! By the way salamat, alis na ako.” “Okay, regards kay Tita Marilou.” “I will, bye.” Nang marinig ko ang pagbubukas sara ng pinto ay muli kong hinawi ang kurtina. “Halika maupo na at bibigyan kita ng bagong vitamins. Sa likot ng anak mo ay baka hindi ka masyadong nakakatulog.” “Opo, lagi niya akong ginigising at hindi na ako muling nakakabalik sa pagtulog.” “Lalaki kasi ang anak mo kaya ganyan.” “Ahm, d-doktora iyon lalaki po b-boyfriend mo po ba o asawa?” “Bakit mo natanong?” “Ahm, w-wala naman po, b-bagay po kayong dalawa.” “Pinsan ko siya, anak kami ng magkapatid.” “I see,” at hindi ko alam kung bakit biglang sumikdo ang aking dibdib. Nakaramdam din ako ng kasiyahan sa kaalamang magpinsan lang pala silang dalawa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD