Gladi POV. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Sunod-sunod ang ilaw na nadadaanan namin mula sa mga poste at gusali, ngunit parang ni isa wala akong nakikita. Ang isip ko ay nasa event pa rin. Hindi lang dahil sa nangyari kina Master M at Carl. Kundi dahil kay Avvi. Bakit naroon siya kasama si Mr. Edmund? Ang akala ko tanging mga investors, shareholders, at malalapit na business partners lang ang imbitado sa opening ng bagong branch ng Tri-Diamond Jewelry. Pero bakit naroon din sila? “Anong iniisip mo, Gladerious?” tanong ni Matias habang ang mga mata niya ay nananatiling nasa kalsada. “Bakit tahimik ka dyan at hindi man lang ako kinakausap?” Hindi agad ako sumagot. Mas lalo ko lang niyakap ang sarili ko saka sumandal sa upuan. “Wala po.” maikling sagot ko.

