EPISODE- 12

2269 Words

Matias POV. BAGO kami pumasok sa isa pang pinto, lihim kong kinausap si Pareng Edmund. VIP room ang pinasok namin. Kasunod namin ang apat na babae… malinaw pa sa sikat ng araw na mga padala iyon ni Mr. Romulo. Pag-upo ko, agad silang pumuwesto sa magkabilang gilid ko. Hindi ako umimik. Hinayaan ko sila. Sa halip, lihim kong pinagmasdan si Gladerious. Ang pagkalito sa kanyang mga mata… ang tahimik niyang reaksyon. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ko. Nakita kong napipilitan siyang umupo sa harapang upuan, sa tabi ni Pareng Edmund at ng team leader na si Lando. Tumayo ako at sinenyasan si Edmund. Sumunod siya sa akin hanggang sa gilid ng glass wall. Tahimik akong tumingin sa labas. Nasa ika-labing limang palapag kami. Sa tapat ng gusaling kinaroroonan namin ay isang marangya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD