Gladi POV. Naninibago ako kay Master M. Kakaiba siya ngayon… malayong-malayo sa dating pagkakakilala ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang ipakita sa akin na kaya niyang baguhin kung sino siya dati. Habang pinagmamasdan ko siya, abala siya sa kung anong ginagawa sa gilid ng kama. Maingat akong lumapit at sumilip… muntik na akong matawa sa nakita ko. Para masiguro na hindi siya makakatanggi mamaya kapag sinabi ko… dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko at lihim siyang kinuhanan ng video. Pagkaraan ng isang minuto, agad ko iyong pinatay at nagpanggap na bigla siyang ginulat. Para siyang batang nahuli sa kalokohan, agad niyang itinago ang cellphone sa ilalim ng kama, saka nagpanggap na hinihilot ang paa. Syempre, sinakyan ko ang trip niya. Lumuhod ako sa tabi niya at kunwaring na

