Gladi POV. Napahindik ako nang may biglang yumakap sa likuran ko. Sa harap ko, si Avvi ay nanlalaki ang mga mata sa gulat. “Miss mo agad ako, sweety?” malambing na bulong ni Matias sa aking tainga. Napahinga ako nang sunod-sunod bago mabilis na tumayo. Ibig bang sabihin… pakana lang niya ang sinasabing pag-atake ng mga kalaban sa mansion na ito? “Iniisip mo bang gawa-gawa ko lang ang pag-atake dito?” tanong niya, tila nababasa ang iniisip ko. “Hindi mo ba nakita ang mga tama ng bala sa pader at ang mga basag na paso sa garden?” “H-Hindi ko nakita…” mahina kong sagot. Halos hindi malinaw ang boses ko dahil sa pagdampi ng hininga niya sa aking leeg. “Bakit hindi mo tingnan?” bahagya siyang ngumiti. “Halika, ipapakita ko sa’yo kung gaano kalaki ang pinsala, para hindi mo isipin na pani

