Gladi POV. Nanatili akong tahimik matapos marinig ang sinabi ni Master M. Isang buwan. Isang buwan na lang… at ikakasal na kami? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, dapat ba akong matuwa, matakot, o mag-alinlangan? Sapagkat kilala ko si Master M, ang kalokohan niya sa mga babae. Higit sa lahat ang pagiging sadista niya at marahas. Baka kapag hindi na siya makkontento sa akin ay muli kong danasin ang trato niya sa akin noon bilang isang alipin. “Glad, may dinaramdam ka ba, Hija?” nag-aalalang tanong ni Maggie. Napatingin ako sa kanila bago sumagot, “sorry po, may iniisip lang ako, at ayos lang po ang pakiramdam ko, M-Mommy Maggie.” nahihiya kong sagot. “I see, so, sisimulan na nag preparasyon ng kasal ninyo?” “Kayo po ang bahala, p-payag naman po ako.” sagot ko pilit na ngumi

