Gladi POV. Nang makita ako ni Master M na gising ay agad na pinatay niya sa astray ang tabaco. Pagkatapos ay naglakad palapit sa akin kaya mabilis akong tumagilid at pumikit. Bigla akong kinabahan. Ayaw ko rin na tanungin niya ako tungkol sa nangyari kanina doon sa dalampasigan. Isa pa bakit nadadalas yata ang paninigarilyo niya... may problema ba siya? Noon kasi kapag hithit buga siya ibig sabihin magulo ang isipan. Hindi ko tuloy mapigilan mag-alala. “Gladerious, ‘wag kang magpanggap na tulog dahil nakita na kitang gising.” Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata pagkatapos ay bumangon at umayos ng upo sa gilid ng kama. Hinihintay kong magsalita siyang muli ngunit nanatili siyang tahimik. Kaya tumayo na ako at nag handa sa gagawing paglabas ng kwarto ngunit narinig ko siyang nagsalit

