Nakapatanga ako sa veranda ng condo unit na tinitiran namin ni Ekang. Feeling ko malolowbat na ako ano mang oras. Pagod na pagod ang pakiramdam ko ngayon. Bakit ba kase nasuong pa ako sa kalokohan nila Emperor? Gagawin yata talaga nilang baliw ang kaibigan nila. Talagang magaling na director itong si Emperor. Aba! Kakaiba talaga! Parang hindi sila mga busy na tao. Akala mo ba wala silang negosyong pinagkakaabalahan. Parang wala silang isang malaking kompanya na inaasikaso. Napapailing nalang ako pag naaalala ko ang mga ginawa namin maitago lang nila ako sa kaibigan nila na hindi naman pala torpe. Naawa naman na din ako kay Mattheo, ramdam ko naman na mahal niya ako pero pabebe kase ako. Namimiss ko naman na si Mattheo pero hindi ko naman magawang magpakita na agad dito. Pigil landi muna

