Ilang araw din akong hindi umuwi dito sa bahay. Kahit sa ospital ay hindi ako pumapasok. Kasama ko lang si Fabby sa ilang araw akong nawala. Masaya ako na bumalik na siya, pero parang may kulang. Parang may hinahanap ako. Parang may mali. Hindi ko alam kung ano. Tapos gabi gabi halos muka ni Maria Angelette ang nasa isip at panaginip ko. Iyong muka niya na nasasaktan. Iyong huling reaction niya ng huli kaming magkita dito sa library ng bahay. Hindi ko naman sinasadya iyong mga sinabi ko sa kanya noon. Hindi ko lang alam kung paano ang gagawin ko. First time kong hindi alam kung paano ihahandle ang isang sitwasyon. I'm confuse. Kase dapat wala naman siya doon. Dapat kami lang nila Mama iyong nag uusap usap. Pero bigla nalang siyang nandoon. Tapos hayun na nga nalito na ako. Nasisi ko pa i

