"Ano ako multo? Bakit may ganyang effect?" Maktol ko. Sinimangutan lang nila akong apat. Dito nila ako dinala sa yate daw ito ni Baby Boy ng sinabi ko na payag na ako sa plano nila. Pero hindi ko naman akalain na ganito pala kalala ang kalokohan nila. Mga gwapo nga talaga, mukang namang mga baliw. Tapos talagang puro kalokohan ang ipapagawa nila sa akin. Naitanong ko tuloy, talaga bang iba ang takbo ng utak ng mayayaman? Aba'y talagang maliligalig ang mga isip. "Akala ko ba gusto mo siyang lumuha ng dugo?" Tanong ni Papa Gabriel. Napangiwi ako. "Hindi naman masyado. Joke ko lang iyon kase galit ako. Pero naman, Papa Gabriel. Mahal ko iyong tao. Hindi ko naman gustong ganon ang gawin. Kahit isang paasa iyon, mahal ko pa rin siya. Alam nyo iyon? Kahit nasasaktan patuloy na nagmamahal." Al

