LEAH's POV
Maganda ang gising ko ngayong araw. Parang nadiligan ang hiyas ko kagabi sa sarap ng pagpaparaos na ginawa ko habang pinagpapantasyahan ang hulog ng langit para sa mga kababaihan na si Henry. Ang asawa ni Lulu na isa sa stepchildren ko.
Napakagat-labi ako habang muling inaalala kung paanong ilang beses naglabas-pasok ang alaga ni Henry sa loob ng aking masikip na yungib sa aking imahinasyon. Sigurado akong malaki ang alagang itinatago ni Henry sa pagitan ng mga malalaki at matitigas nitong hita. Noong family reunion ay kitang-kita ko kung gaano kataba at kahaba ang alaga nito nang umahon ito mula sa swimming pool at humulma sa malaking alaga nito ang suot na basang-basang swimming trunks. Kung gaano kalaki ang muscles nito sa katawan ay ganoon din kayaman ang ipinagmamalaki nitong alaga.
Hinding-hindi ko makakalimutan kung paanong nagkatitigan kaming dalawa nang tumingala ito sa bintana ng hotel room namin ni Abner. Sigurado akong alam nitong may nakatitig dito. Na may nagpapantasya rito.
Kaunting panahon pa at mapapalitan na ni Henry si Leandro sa ibabaw ng aking kama. Napakasarap isipin na kapag dumating ang araw na pareho na silang baliw na baliw sa akin ay magpapatayan silang dalawa para ipakita sa akin kung sino ang dapat na maging hari ko. At ang Lulu at Alice na iyon ay luluhod sa aking harapan para magmakaawang ibalik ko sa kanila ang mga asawa nila.
At kapag nakita ni Abner kung paanong naghihirap ang mga anak niya nang dahil sa pagtataksil ko sa kanya ay baka magkusa na siyang padaliin ang buhay niya. Well, maganda iyon. Hindi ko na kailangang dumihan pa ang mga kamay ko para malagutan ng hininga ang matandang 'yon.
Ang matandang iyon na pumaslang sa lalaking mahal ko.
Si Philip.
Si Philip ang nag-iisang lalaking minahal ko. Ang pinangakuan kong mamahalin ko habang-buhay.
Naaalala ko pa ang unang araw na nagkita kami. Iyon ang araw na natuklasan kong ang stepsister kong si Krizelle ang babaeng kinakalantari ng unang kasintahan kong si Benjo habang magkarelasyon pa kami.
Leah: Mga hayop kayo!
Kitang-kita ko kung paanong umiindayog ang hubo't hubad na katawan ni Krizelle sa ibabaw ng pawisang hubo't hubad na katawan ni Benjo sa mismong ibabaw ng aking kama.
Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit na nakakapit sa seradura ng pinto ng aking kwarto. Nangingilid ang mga luha sa aking mga mata. Nakita kong lumingon sa aking direksyon sina Krizelle at Benjo. Patuloy ang pag-indayog ng stepsister ko sa ibabaw ng katawan ng boyfriend ko. Nakangisi silang pareho sa akin at wala man lang kagulat-gulat na nahuli ko sila.
Krizelle: Hoy, bobita. Ang tagal mo, ah. Kanina ka pa namin hinihintay.
Humihingal pa si Krizelle habang nagsasalita. Tuluyan na akong lumuha at dahan-dahang napaupo sa sahig. Hindi ko akalaing pagtataksilan ako ni Benjo kasama ang stepsister ko. Alam nito ang lahat ng hinaing ko tungkol sa hilaw kong kapatid at sa ina nito.
Leah: Be-Benjo, ba-bakit? Ba-bakit mo na-nagawa 'to?
Tumawa ng nakakainsulto si Benjo at umulos muna sa yungib ni Krizelle bago nagsalita.
Benjo: Boba ka pala talaga, Leah. Tama si Krizelle. Kaya nang sabihin niyang hindi mo naman daw malalaman kung lolokohin ka namin, eh, 'di sinunggaban ko na itong kapatid mo. Mas magaling pang gumiling kaysa iyo. Hindi tulad mong kailangan pang turuan.
Humihingal din si Benjo habang nagsasalita. Parang may tumatarak na matulis na bagay sa aking dibdib habang pinapakinggan kung paano ako ikumpara ni Benjo sa aking stepsister. Hindi ko man lang ito nakitaan ng pagka-guilty. Si Benjo ang nakauna sa akin at simula nang gawin namin iyon ay hinahanap-hanap na ng katawan ko ang pagtatalik. Naging mahilig ako roon.
Krizelle: Ikaw naman kasi, bobita. Makikipag-boyfriend na lang, sa gwapo pa. Sa tingin mo ba ay hindi ako matutuksong agawin sa iyo? Tatay mo nga naagaw ng Mama ko mula sa Nanay mo, ibig sabihin kaya ko rin. Kasi mana ka sa Nanay mong boba.
Tumawa ng malakas si Krizelle na sinabayan pa ni Benjo. Tuluy-tuloy pa rin ang pagsasalubong ng mga katawan nila sa ibabaw ng aking kama. Nang banggitin ni Krizelle ang Nanay ko ay biglang nagdilim ang paningin ko. Bigla akong tumayo at pasugod akong naglakad patungong kama. Hindi nakaporma si Krizelle nang hablutin ko ang buhok nito at hatakin ito pababa ng kama. Kumawala ang alaga ni Benjo mula sa loob ng yungib ni Krizelle. Nakalupagi na sa sahig si Krizelle at umiiyak dahil sa lakas ng sabunot ko sa kanyang buhok nang biglang bumangon si Benjo at itulak ako ng malakas. Napalupagi ako sa sahig ng aking kwarto. Minura ako ni Benjo habang dinuduro.
Benjo: Hoy, boba! Wala kang karapatang saktan ang girlfriend ko! Nagtitiis na lang ako sa iyo rahil nakakaawa ka kaya hindi kita mahiwalayan! Si Krizelle ang nakaisip na sa ganitong paraan mo malaman. Dapat nga nagpapasalamat ka pa rahil hindi na namin pinatagal ang panloloko sa iyo kahit dapat ka namang lokohin dahil boba ka!
Walang tigil ang pag-iyak ko habang dinuduro ako ni Benjo at nakatingala ako rito habang nakalupagi sa sahig. Hindi ko alam na dumating na pala ang stepmother kong si Tita Vickie at may kasama itong lalaki na ngayon ko lang nakita. Narinig nila ang ingay mula sa loob ng aking kwarto at nagmadaling umakyat. Kitang-kita ni Tita Vickie ang nakalupaging si Krizelle sa sahig. Agad na binalutan ng kumot ni Benjo ang hubad na katawan ni Krizelle at mabilis namang isinuot ni Benjo ang shorts nito.
Krizelle: Ma! Si Leah, sinaktan ako!
Grabe ang hagulgol ni Krizelle habang isinusumbong ako nito kay Tita Vickie. Maya-maya ay naramdaman ko na lang ang malakas na sampal na dumapo sa aking kanang pisngi.
Vickie: Mahiya ka naman sa balat mo, Leah! Buti nga pinapatira ka pa namin dito kahit patay na ang Tatay mo! Magkaroon ka naman ng utang-na-loob! Boba ka na nga, wala ka pang utang-na-loob sa mga taong naaawa sa iyo!
Tuluy-tuloy ang pag-iyak ko habang himas-himas ang aking kanang pisngi. Ang sakit-sakit ng mga naririnig ko mula kina Tita Vickie, Krizelle, at Benjo. Hindi naman ako masamang tao para ganituhin nila. Lahat ng utos ng mag-ina ay sinusunod ko kahit hindi na ako pinag-aral ng College ni Tita Vickie.
Gusto ko sanang makapagtapos ng pag-aaral kasi nangako ako kay Nanay na giginhawa ang buhay namin pagdating ng panahon. Pero pumanaw ito rahil sa sama ng loob ng ginawang pang-iiwan sa amin ni Tatay. Nang kunin ako ni Tatay para patirahin sa bahay ni Tita Vickie kasama ito at ng mag-ina ay naging impyerno ang buhay ko. Lalo na nang namayapa si Tatay.
Vickie: Hindi ka na nahiya! May bisita tayo pero inilalabas mo ang totoo mong pag-uugali!
Mula nang araw na iyon ay sa bahay na ni Tita Vickie tumira ang kasama nitong lalaki. Si Philip. Nag-live in sila ni Tita Vickie. Halos magkaedad lang kami ni Philip at parang ina na nito si Tita Vickie. Naging malapit kami sa isa't isa. Lagi ako nitong ipinagtatanggol mula sa pang-aapi nina Tita Vickie at Krizelle. Nang panahong ding iyon ay tumira na si Benjo sa bahay ni Tita Vickie rahil gusto ni Krizelle na magsama na sila. Walang araw na hindi ipinamumukha sa akin ni Krizelle kung paanong nagtagumpay itong maagaw mula sa akin ang lalaking pantasya ng bayan sa amin. Marami kasi ang nagkakagusto kay Benjo at proud na proud si Krizelle na ito ang nagwagi sa rati kong kasintahan.
Hanggang sa dumating ang araw na nahuhulog na ang loob ko kay Philip. Inamin ko ang damdamin ko para rito at nagulat ako nang aminin nitong may damdamin na rin ito para sa akin. Pero hindi raw nito maaaring iwan si Tita Vickie rahil malaki ang utang-na-loob nito rito. Inintindi ko ito at magmula noon ay palihim na kaming nagkikita sa isang parte ng kakahuyan na malayo sa bahay ni Tita Vickie para buuin ang aming mga pangarap. Ipinaramdam sa akin ni Philip ang totoong pagmamahal sa lugar na iyon. Doon ay nasabi nito sa aking nagkakaproblema sa pabrikang pinagtatrabahuan nito.
Isang araw ay masinsinan kaming nag-uusap ni Philip sa isang parte ng kakahuyang iyon nang sabihin nitong magtanan na kami. Nahuli raw nito si Tita Vickie na katalik si Benjo. Napakawalang-kwenta talaga ng ex-boyfriend ko. Tinuhog pa sina Krizelle at Tita Vickie.
Nang araw na magtatanan na kami ni Philip ay dinala na nito ang mga inimpakeng damit papuntang pabrika kung saan ito nagtatrabaho. Tatapusin lang daw nito ang huling araw sa trabaho pagkatapos ay didiretso na ito sa parte ng kakahuyan kung saan madalas kaming magkita ng palihim. Doon daw kami magkita. Walang kamalay-malay si Tita Vickie na magtatanan na kami ng ka-live in nito. Wala sina Krizelle at Benjo sa bahay ng mga oras na iyon. Hirap na hirap akong makatiyempong makalabas ng bahay ni Tita Vickie nang hindi nito mapapansin ang bag na bitbit ko. Hanggang sa makahanap ako ng tiyempo at dali-dali akong tumungo sa tagpuan namin ni Philip. Nahuli ako ng ilang minuto sa napag-usapan naming oras.
Ganoon na lamang ang panggigilalas ko nang pagdating ko sa tagpuan namin ni Philip ay bangkay na nito ang natagpuan ko. Pinaslang si Philip. Saksi ang kakahuyang iyon sa lakas ng iyak ko nang gabing iyon. Hanggang sa mapansin ko ang isang ID na natabunan ng mga tuyong dahon. Ang ID ay pagmamay-ari ng isang Abner Galivanio.
Pinunasan ko ang mga luhang nag-uunahang pumatak mula sa aking mga mata habang inaalala ang gabing iyon.
Hindi. Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi ako pwedeng maging mahina.
Ipaghihiganti ko si Philip.
----------
to be continued...