THIRD PERSON POV
Pangiti-ngiti ngayon si Leah habang pinapanood ang video ng kanilang pagtatalik ng manugang na si Henry na kuha sa loob mismo ng kwarto niya at ng asawang si Abner.
May nadagdag na naman sa collection ni Leah ng mga videos na gagamitin niya sa kanyang paghihiganti para sa taong sa tingin ni Leah ay siyang dahilan ng pagkawala ng kanyang dating kasintahang si Philip.
Si Abner Galivanio.
Sumeryoso ang mukha ni Leah nang maisip ang kondisyon ng kanyang asawa ngayon.
Dahil sa debilitating illness ni Abner kaya lalong nanghihina ang katawan at isip nito sa mga lumilipas na araw na maaaring magresulta sa pagkawala ng buhay nito na rapat ay ikatuwa ni Leah ngunit hindi ganoon ang kanyang nararamdaman.
Ang gusto ni Leah ay mas tumagal pa ang paghihirap ni Abner sa mundong ito bago ito tuluyang mawala kaya naman palagi niyang sinisiguradong naaalagaan ito ng tama ng nurse nitong si Winnie.
Nariyan din ang stepdaughter ni Leah na si Lulu na inaalagaang mabuti ang ama nito kaya mas nagiging kampante si Leah na posible pang humaba ang buhay ni Abner.
Muling tiningnan ni Leah ang nagpi-play na video sa kanyang phone kung saan marahas silang nagtatalik ni Henry.
Aaminin ni Leah na hindi siya nagkamali sa kanyang hinalang masarap sa kama si Henry. Alam ni Henry ang ginagawa nito kaya naman masasabi ni Leah na nag-enjoy siya sa pakikipagtalik kay Henry.
Totoo ring nakikita ni Leah sa pisikal na anyo ni Henry ang dating kasintahang si Philip kaya naman mabilis siyang na-attract kay Henry physically nang unang beses niya itong makita sa hotel and resort kung saan ginanap ang in-organize na family reunion ng kanyang mister na si Abner.
Ngunit nang gabing magtalik sina Leah at Henry ay hindi ang dating kasintahang si Philip ang nakita ni Leah sa katauhan ni Henry kundi ang una niyang kasintahang si Benjo.
Si Benjo na pinagtaksilan si Leah kasama ang kanyang stepsister na si Krizelle.
Nang gabing magtalik sina Leah at Henry ay naroon sa loob ng walk-in closet ng master's bedroom si Leandro.
Kitang-kita ni Leah ang pagseselos sa mga mata ni Leandro habang pinapanood nito ang pagtatalik nilang dalawa ni Henry.
Hindi alam ni Leah kung bakit pero nang mga oras na iyon ay bigla na lamang niyang nakita ang kanyang sarili sa posisyon ni Leandro.
Habang tinitingnan ni Leah si Leandro ay biglang pumasok sa kanyang isipan ang scenario kung saan nahuli niyang nagtatalik ang kanyang unang kasintahang si Benjo at ang kanyang stepsister na si Krizelle sa loob mismo ng kanyang kwarto.
Napuno ng galit ang puso ni Leah nang pumasok sa kanyang isipan ang pangyayaring iyon habang nakikipagtalik kay Henry kaya naman ang nabuhay na galit sa kanyang puso para kay Benjo ay ibinaling niya kay Henry.
Ilang beses na sinampal ni Leah ang mga pisngi ni Henry. Pinagkakalmot din ng mga kuko sa kamay ni Leah ang leeg at mga pisngi ng kanyang manugang na si Henry.
Pakiramdam ni Leah ay naipagtatanggol niya ang dating Leah na pinagtaksilan ng kasintahan at stepsister nito na nakikita niya sa katauhan ni Leandro nang mga oras na iyon sa pamamagitan ng pisikal na pananakit kay Henry.
Ikinuyom ni Leah ang kanyang dalawang palad.
Ngayon napagtanto ni Leah na hindi pa rin namamatay ang galit na nasa kanyang puso para sa kanyang dating kasintahang si Benjo at sa kanyang stepsister na si Krizelle.
Naroon lamang ang galit na iyon sa isang sulok ng puso ni Leah na muling umahon sa hindi inaasahang pagkakataon.
Leah: Siguro ay hindi na masamang isama ko na rin sa aking paghihiganti sina Benjo at Krizelle.
Nag-aapoy ang mga mata ni Leah na tumitig sa isang sulok ng master's bedroom habang muling inaalala sa kanyang isipan ang pagtataksil na ginawa sa kanya ni Benjo kasama si Krizelle.
Halos madurog ang mga ngipin ni Leah nang muli siyang bumulong sa hangin.
Leah: Magbabayad kayo sa ginawa ninyong pananakit sa aking damdamin noon, Benjo at Krizelle. Katulad ng ginawa ninyo sa akin noon ay dudurugin ko rin ang inyong mga puso sa pinakamasamang posibleng paraan.
Nagtatagis ang mga ngipin ni Leah sa sobrang galit na kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.
Leah: Magbabayad kayong lahat. Lalong-lalo ka na, Abner Galivanio.
Madiin ang pagbigkas ni Leah sa bawat salitang kanyang binitiwan.
Leah: Mga hayop kayo.
Kung maaari lamang maglabas ng apoy ang mga mata ni Leah ay ginawa na niya nang mga sandaling iyon.
----------
Iritadong binawi ni Leandro ang kanyang kanang bisig mula sa pagkakahawak dito ng kanang kamay ni Sabel.
Leandro: Ano ka ba naman, Sabel? 'Di ba sinabi ko nang iwasan mo na ako? Naghihinala na sa atin si Alice dahil maraming tsismosa sa palengke ang nakakaalam ng tungkol sa namagitan sa ating dalawa noon.
Biglang tumaas ang kanang kilay ni Sabel.
Sabel: Ah. Noon. So nakaraan na lang ako ngayon. Bakit, Leandro? Nakahanap ka na ba ng ipapalit sa akin?
Agad na lumingon-lingon si Leandro sa paligid.
Naroon sina Leandro at Sabel sa tapat ng isang sari-sari store. Katatapos lamang bumili ng cup noodles ni Leandro nang biglang sumulpot sa kanyang tabi ang dating kalaguyong si Sabel.
Oo, dating kalaguyo. Tinapos na ni Leandro ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Sabel noong isang araw.
Naisip ni Leandro na kung seryoso siya sa kanyang nararamdaman para kay Leah ay unti-unti niyang itatama ang mga mali sa kanyang buhay para pagdating ng panahon ay maging tama na ang lahat para sa kanilang dalawa ni Leah.
At si Sabel nga ang mali sa buhay ni Leandro na kanyang unang itinama sa pamamagitan nang pagtapos ng kanilang bawal na relasyon.
Leandro: Walang iba, okay? Ayoko lang talagang naghihinala ang asawa ko. Ito ang unang beses na naghinala sa akin si Alice at hindi ko gusto ang nakita kong kalungkutan sa kanyang mukha.
Totoo namang naapektuhan si Leandro sa kalungkutang nakita niya sa mukha ni Alice nang komprontahin siya nito tungkol sa tsismis na kumakalat sa palengke na babae niya si Sabel.
Ngunit ang totoong dahilan kung bakit tinapos na ni Leandro ang kung anumang namagitan sa kanila ni Sabel ay ang kanyang biyenang babae na si Leah.
Pero syempre hindi iyon sasabihin ni Leandro kay Sabel.
Mataray na humalukipkip sa harapan ni Leandro si Sabel.
Sabel: Talaga ba, Leandro? Pagkatapos ng lahat ng pambababae mo, eh, ngayon ka pa magiging concerned sa feelings ni Alice? Wow! Papatayuan na ba kita ng monumento niyan?
Umiling na lang si Leandro para hindi na humaba pa ang usapan.
Akmang tatalikuran na ni Leandro si Sabel nang muli itong magsalita.
Sabel: Baka gusto mong sabihin ko kay Alice ang tungkol sa babaeng kinita mo sa restaurant ilang araw na ang nakalipas?
Agad na natigilan si Leandro at mabilis na nilingon si Sabel na ngayon ay nakaismid na habang nakahalukipkip.
Sigurado si Leandro na ang tinutukoy ni Sabel ay walang iba kundi si Leah.
Leandro: A-ano ang ibig mong sabihin?
Nakataas ang isang kilay na tumingin ng diretso sa mga mata ni Leandro si Sabel.
Sabel: Wow! In denial mode lang ang peg? Huwag nga ako, Leandro. Alam kong alam mo ang sinasabi ko.
Napalunok ng laway si Leandro.
Hindi alam ni Leandro kung paanong nalaman ni Sabel ang tungkol sa pakikipagkita niyang iyon kay Leah sa isang fine-dining restaurant.
Leandro: Ka-kaibigan ko lang 'yon. Na-naisipang manlibre.
Kahit si Leandro ay hindi kumbinsido sa sarili niyang kasinungalingan.
Mapaklang tumawa si Sabel.
Sabel: 'Yong ganoong kagandang babae, kaibigan lang sa 'yo? Sino ang niloloko mo, Leandro? Kabisado ko na ang likaw ng bituka mo. Hindi mo palalagpasin ang ganoong kagandang babae.
Umiwas ng tingin si Leandro kay Sabel.
Sabel: Ano, Leandro? Siya ang dahilan kung bakit tinapos mo na ang relasyon natin, 'di ba? Kasi mayaman, tama? Nakita ko 'yong kotse, eh. Ang gara. Halatang milyonarya.
Tumiim ang bagang ni Leandro rahil sa sinabi ni Sabel at muling lumingon sa paligid.
Mabuti na lamang at sina Leandro at Sabel lamang ang naroon sa tapat ng sari-sari store sa kanilang lugar nang mga oras na iyon. Tanghaling tapat niyon at malamang ay nananghalian ang karamihan.
Leandro: Hinaan mo nga 'yang boses mo. Mamaya may makarinig pa sa iyo at sabihing namemera ako.
Pinanlakihan ng mga mata ni Sabel si Leandro.
Sabel: O, bakit? Hindi ba? Nakapagtataka lang kung bakit mayaman na 'yong babaeng 'yon ngayon. Hindi mo ba alam na dating girlfriend ng dati kong kaibigan at katrabaho ang babaeng 'yon?
Kumunot ang noo ni Leandro rahil sa sinabing iyon ni Sabel.
Leandro: A-ano ang ibig mong sabihin, Sabel? Sinong kaibigan mo?
Bigla namang parang nataranta si Sabel dahil sa tanong na iyon ni Leandro at agad na iniba ang usapan.
Sabel: Ah, wala. Hu-huwag mong pansinin 'yong sinabi ko. Ma-magkamukha lang siguro silang dalawa.
Pilit na ibinalik ni Sabel ang katarayan sa mukha nito para pagtakpan ang katarantahang nararamdaman.
Sabel: Ang isipin mo ngayon, Leandro, ay kung paano ako pipigilan para hindi magsumbong kay Alice.
Nagdududang tiningnan ni Leandro si Sabel.
Leandro: Si-sigurado ka bang hi-hindi mo kilala 'yong babaeng kasama ko sa restaurant, Sabel?
Umiwas ng tingin kay Leandro si Sabel.
Sabel: Hindi talaga. Promise. Ka-kamukha lang pala ng girlfriend ng da-dati kong kaibigan.
Malakas ang pakiramdam ni Leandro na may hindi sinasabi sa kanya si Sabel.
Nagulat pa si Leandro nang magpaalam na sa kanya si Sabel gayong kanina ay ito ang nangungulit sa kanyang mag-usap sila.
Sabel: Basta tandaan mo, Leandro. Nasa kamay mo ang desisyon kung sasabihin ko ba kay Alice ang tungkol sa babaeng iyon o hindi.
Iyon lamang at nagmamadali nang lumakad palayo kay Leandro si Sabel.
Si Leandro ay napailing na lamang ngunit sinabi sa kanyang isipan na aalamin niya kung totoong kilala ni Sabel si Leah o hindi.
----------
Ilang beses nang tiningnan ni Henry ang kanyang magkabilang pisngi sa salaming nakasabit sa dingding ng sala sa kanilang bahay ng asawang si Lulu.
Magaling na ang mga sugat sa magkabilang pisngi ni Henry maging ang mga sugat sa kanyang leeg na likha ng mga kalmot ng mga kuko ng kanyang biyenang si Leah nang magtalik silang dalawa sa loob ng master's bedroom ng mansyon ng kanyang biyenang lalaki.
Galit ang mukhang bumulong sa hangin si Henry.
Henry: Hayop na parausang babaeng 'yon. Sisirain pa ang aking mukha.
Nagmamadaling umalis ng mansyon ng kanyang biyenang lalaki si Henry noong isang araw dahil hindi niya gustong maabutan siya ng kanyang misis na si Lulu pagkagising nito sa umaga na maraming kalmot sa kanyang leeg at magkabilang pisngi.
Hindi alam ni Henry kung paano ipaliliwanag ang mga kalmot na iyon kung sakaling nakita ni Lulu.
Hindi naman maaaring sabihin ni Henry ang katotohanan sa kanyang asawa rahil malalaman nitong nakipagtalik siya sa stepmother nito.
Nanlilisik ang mga mata ni Henry na tumitig sa kanyang reflection sa salamin.
Puno ng galit ang puso ni Henry dahil sa biyenang babaeng si Leah.
Kung hindi inakit ni Leah si Henry katulad na lamang nang paghuhubad nito at pagbibihis ng damit sa kanyang harapan ay hindi naman maaakit si Henry dito lalo na at ilang araw na silang hindi nagtatalik ng asawang si Lulu.
Si Leah ang sinisisi ni Henry sa ginawa niyang pagtataksil kay Lulu.
Henry: Siraulong Leah na 'yon. Balak pa yatang sirain ang pagsasama namin ni Lulu.
Tumiim-bagang si Henry sa harap ng salamin matapos bumulong sa hangin.
Henry: Hindi ba alam ng malanding Leah na 'yon kung gaano kalaki ang aking naging hirap para lamang mapangasawa si Lulu at makuha ang tiwala ng matandang Abner na 'yon?
Kumuyom ang kanang palad ni Henry.
Tiningnan ni Henry ang nakakuyom niyang kanang palad. Ang kanang palad na iyon na marami nang nagawa para kay Henry.
Inalala ni Henry sa kanyang isipan ang lahat ng bagay na ginawa ng kanang palad na iyon para sa kanya.
Muling umangat ang tingin ni Henry sa kanyang reflection sa salamin.
Kitang-kita ni Henry sa kanyang mga mata ang galit para kay Leah, ang babaeng dahilan kung bakit nagkasala siya sa kanyang asawa.
Halos madurog ang mga ngipin ni Henry nang muling bumulong sa hangin.
Henry: Hindi ko hahayaang ang isang makating babaeng kagaya ni Leah lamang ang sisira ng masaya naming relasyon ni Lulu.
Umaangat sa ere ang nakakuyom na kanang palad ni Henry habang patuloy siya sa pagalit na pagbulong sa hangin.
Henry: Hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang lahat ng aking mga pinaghirapan.
Nag-aapoy ang mga titig ni Henry sa sariling reflection sa salamin nang bigla na lamang niyang suntukin ang salaming iyon gamit ang kanyang kanang kamao.
Maririnig sa buong kabahayang iyon ang sunud-sunod na pagbagsak sa sahig ng mga bubog ng salaming nabasag.
Tumutulo sa sahig ang mga pulang likidong nagmumula sa kanang kamao ni Henry nang bigla siyang yumuko at titigan ang sariling reflection sa isa sa mga bubog ng salaming nasa sahig.
Kitang-kita sa bubog ng salaming iyon ang mala-demonyong ngisi na nakapaskil sa mukha ni Henry.
----------
to be continued...