Chapter 18

1170 Words
"Alex" mahinang tawag ni Gladys sa pangalan ni Alex. Nagdadrive lamang ng tahimik si Alex habang so Gladys naman ay maya-maya na tumitingin kay Alex. Binabalewala lang naman ito ng binata at deretso pa rin ang tingin sa daan. Napaka-awkward sa loob ng sasakyan lalo na at silang dalawa lamang ang nakasakay sa loob nito. Idagdag pa na hindi sila magkabati. Hindi naman alam ni Gladys kung papaano sisimulan ang usapan nilang dalawa. Kung manghihingi ba muna siya ng tawad o magpapaliwanag muna. Nakakalito, nakakakaba samantalang ang lalaki ay wala pa ring ginawa, hindi man lang siya tumingin sa dalaga at hindi man lang sumagot sa tawag ni Gladys. Siguro nga sobrang nagalit ang binata noon. Sobra nga siguro niyang nasaktan si Alex. Gustong kausapin ni Gladys si Alex kaya medyo lumapit siya sa upuan ni Alex pero nanlaki ang mata niya at napatigil. Ang amoy vanilla ay kumakalat sa kanyang pang-amoy, nakakarelax. Napatitig siya sa binata, bakit kaya siya nagpabango ng vanilla? Dahil sa amoy na ito ay naging relax ang isipan ng dalaga, siguro nga hindi pa ito ang tamang oras para pag usapan ang problema. Dahan-dahan na nagrelax si Gladys at sumandal sa upuan. Unti-unti nitong ipinikit ang kanyang mga mata at malayang inaamoy ang pabango no Alex na Vanilla scent perfume. Masyadong nakakarelax. Napangiti ang dalaga habang nakapikit, ang hindi niya alam ay napatingin ang lalaki sa kanya at biglang napuno ng pagmamahal at pagkasabik ang mga mata nito. Nakangiti ang lalaki at pinatugtog ang mga nakakarelax na tunog sa sasakyan. Mas lalo tuloy inaantok si Gladys, kaya hindi na nito napigilan at mahimbing na napatulog. Mahigit ilang minuto din ang nakalipas at nakarating na sila sa destinasyon, ang meeting place ng kompanya sa Cyber Company ngunit tulog pa ang dalaga kaya hindi kaagad ginising ng binata, pero nung gumalaw ng kaunti ang mga mata ng dalaga ay lumabas na ng sasakyan si Alex para pagbuksan si Gladys. Saktong pagkabukas ng binata ng pintuan ay nagising na si Gladys, kaagad na sumalubong sa kanya ang mukha ng lalaking palaging nanjan para sa kanya. Iniabot ni Alex ang mga kamay para alalayan si Gladys pababa, malugod naman niyang tinanggap ito at dahan-dahang bumaba ng sasakyan. Kaagad na inikot ng dalaga ang paningin, isa itong resort. Napapalibutan ng mga puno ang lugar, nakakarelax na para bang nasa mismong gubat ka talaga, napaka payapa. Pumasok sila sa loob ng restaurant ng resprt at sumalubong ang ilang mga tao na turista at mga staff, may agad namang lumapit sa kanila na isang lalaking staff at itinuro kung nasaan ang kameeting nito. Nakita naman ni Gladys ang matandang lalaki at isang magandang babae na nasa tabi nito. Maganda ito, napaka elegante kumpara sa kanya na di hamak ay mahirap lang at walang ka-appeal katulad ng babae. Kaagad namang kinabahan si Gladys, humawak naman si Alex sa kamay ng dilag at iginiya sa kameeting nito. "Mr. Sheng" pagbati n Alex sa matandang lalaki Kaagad naman na lumingon ang matandang lalaki at ang eleganteng babae sa kanila. Halatang mayaman ang babae pero sa totoo lang, mas maganda naman talaga si Gladys, walang make-up at natural beauty. Hindi pa masakit sa mata ang suot, dahil nakasuot si Gladys ng puting dress at may design na gold ay parang ini-re-representa nito ang pagiging 'pure' ni Gladys, ang pagiging mabait at kalmado kasabay ng pagiging elegante at makapangyarihan. Nang makita ng matanda ang dalaga ay nanlaki kaagad ang mga mata nito, nakaka-akit ang alindog ng dalaga at elegante din ito. Ang anak naman niya ay medyo nainis dahil nandito siya para talaga pag usapan sana ang partnership ng kanilang kompanya, ibig sabihin ay gusto niyang maging fiance si Alex. Ipapakita ng babae na siya lang ang nababagay kay Alex at hindi ang babaeng kasama nito, hindi ba sila nahihiya na magkahawak kamay na pumasok rito. "Mr. Ramirez" bati ng matanda sa kanya na tinanguhan lamang ni Alex. "Hon, this is Mr. Sheng, he is the president of the Cyber company. We are currently working together in a small project" halatang nadismaya ang matanda pagkarinig ng 'small project' ngunit hindi siya nag reklamo at ngumiti na lamang sa dalaga. "Hello, I am Mr. Sheng and you are?" Sabay abot ng kamay. "Hi Mr. Sheng, My name is Gladys. It is nice to meet you" magalang na bati din naman ni Gladys sa matanda at nakipagkamay rito. "This is my daughter, Veronica" "Hi Veronica" bati ni Gladys pero hindi siya pinansin ng dalaga at nakatitig lang kay Alex na nakangiti. Nagpasalamat nalang si Gladys sa langit at hindi niya iniabot ang kamay sa babaeng ito, siguradong mapapahiya lang siya. Hindi naman pinansin ni Alex si Veronica at kaagad na inalalayan si Gladys na umupo katapat kay Veronica. Nadismaya naman ang dalaga na kaharap niya si Gladys, gusto niya pa kasing kaharap ang binata para makapag usap silang dalawa. "May I ask, what is the relationship between you two?" Nagtatakang tanong ng matanda sa kanilang dalawa. Napatigil naman si Gladys sa tanong nito pero si Alex naman ay walang ka effort-effort at kalmadong sumagot. "She's my fiance, my 'one' and 'only' fiance" halatang diniinan ni Alex ang 'one and only' para malaman nila na kung ano man ang balak ng mga ito ay hindi nila magagawa. Nahihirapan namang lumunok si Gladys ng sariling laway. Nakaka-kaba! Napatingin naman kaagad si Veronica kay Gladys at napatingin sa kamay nito. Walang singsing. "But she doesn't have a ring, is it that maybe, she's just one of your toys?" Kaagad namang tinitigan ng masama ni Mr. Sheng ang anak Bigla namang nandilim ang mulha ni Alex at masamang nakatitig sa babae. "Excuse me? What did you just say?" Malamig na tanong ni Alex sa dalaga habang si Gladys naman ay panay ang lunok ng laway dahil maya-maya pa ay parang tutulo ang luha nito. "I uh--" hindi naman alam ng matanda ang sasabihin "If you're going to insult my fiance then its better to leave in this place, I can't promise not to hurt this b***h" galit na saad ni Alex at kaagad na inalalayan patayo si Gladys. "I still didn't propose to her but she is already my fiance, whoever disrespect her will never be forgiven. Ypu must face the consequences" huling bilin ni Alex at umalis na sila sa lugar na iyon. Pagkaupo ni Gladys sa passenger seat ay tulala lang siyang nakatingin sa labas ng bintana, sa kalagitnaan ng biyahe ay napansin ni Alex ang mga butil ng luha na pumapatak mula sa mga mata ni Gladys. Napabuntong-hininga na lamang si Alex at hininto ang sasakyan. Hinila niya ang dalaga sa kanyang mga bisig at mahigpit na niyakap. Nagulat naman ang dalaga sa biglaang yakap ng binata. Amoy-amoy ang Vanilla na perfume nito at hinahaplos ang kanyang buhok. "I'm sorry" hindi man alam ni Gladys kung para saan ang sorry pero nakaramdam siya ng saya sa mga ito na waring maayos na silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD