Chapter 10

1095 Words
Dumaan ang dalawang linggo na katulad pa rin ng dati ang tingin ng mga tao sakin. Pero si Jenna palagi ko nang nakakasama. Parang siya na yung naging bagong kaibigan ko. Pumayag din siya sa kondisyon ni Alex na wag ipagkalat ang tungkol sa kanya. Palagi din silang nagkakausap ni Cloud, ang secretary ni Alex. "Buntis siya diba?" "Ang landi" "Ang aga nabuntis, grabe naman" bulungan ng mga estudyante pero bina-balewala ko nalang. Hindi na din yun pinapansin ni Jenna pero ang sana ng tingin niya sa kanila. Pagkapasok namin sa classroom ay umupo na kami sa sarili naming upuan, katabi parin ng upuan ko si Jamie. Hindi ko nga alam pero hindi na niya ako kinakausap. Para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya. Mabilis tumakbo ang oras at labasan na, pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Jamie sa harap ng gate. Hindi ko nalang siya pinansin kahit alam kong nakatingin siya sakin. Nakakapagtaka lang kasi may mga pasa siya sa binti at braso. Namumutla din siya pero di ko nalang ito pinansin. "Gladys! Hintay, sabay na tayo!" Sigaw ni Jenna sakin. Napangiti naman ako habang humahabol siya sakin. Pagkahinto niya sa harapan ko saka naman lumapit si Jamie saming dalawa. "Oh bakit? Ano kailangan mo ha?" Siga na tanong ni Jenna sa kanya pero hindi niya pinansin at tumingin lang sakin. Wala nang tao at kaming tatlo nalang ang nandito. "Gusto kitang kausapin tungkol kay tita" biglang lumakas ang t***k ng puso ko ng marinig ang tawag niya kay auntie. "Alam na niya ang totoo na buntis ka, naghihintay siya sa inuupahan mong bahay" pagpapatuloy niya. Nanginginig ako habang nakayuko lang. "Gusto niyang sabay tayong pumunta dun" yun lang ang sabi niya pero unti-unting tumulo ang luha ko. Alam ko namang magagalit si auntie. Matagal ko na tong pinaghandaan ang pagkikita namin pero bakit parang kung kailan nangyayari parang ayoko siyang makita. Natatakot ako. Pakiramdam ko mawawasak lahat ng pinaghirapan ko kapag nalaman ni auntie. Pero kahit ganun hindi pa rin ako nawalan nang pag-asa na sana matanggap niya ang anak ko. Lumingon ako kay Jenna at nginitian siya. Tinuro niya ang cellphone niya signal na tatawagan niya si Alex pero umiling lang ako. Palagi nalang akong pinagtatanggol ni Alex, kailan ko maipagtatanggol ang sarili ko? "Gladys" nag-aalalang tawag ni Jenna pero tiningnan ko lang siya habang tumutulo ang luha ko. Sabay kaway pamamaalam. Nakikita ko sa mukha ni Jenna na nahihirapan siyang makita ako ng ganito. Nakikita kong malapit na rin siyang umiyak pero hindi siya sumunod. Bigla na lang ako hinigit ni Jamie sa braso nang napakahigpit. Hinihila niya ako pasakay sa taxi na pinara niya kanina. Pagkasakay namin sa backseat ay sinabi na ni Jamie ang address ko. Tahimik lang ang biyahe naming dalawa, pagkahinto ng taxi sa harapan ng bahay ko ay parang gusto ko nalang bumalik sa yakap ni Alex. Naduduwag ako ngayon, gusto kong magpakatatag pero hindi ko kinakaya. Bigla nalang lumabas si Jamie kaya ako nalang ang nagbayad. Pagkalabas ko ng taxi ay malakas akong hinila ni Jamie sa braso papasok sa loob Gusto kong sumigaw at ipaalam sa kanya na nasasaktan na ako pero pilit kong itinikom ang bibig ko. Pagkabukas ng pintuan ay tinulak ako ni Jamie papasok. Muntikan pa akong madapa pero nakabalanse agad ako kaya hindi natuloyan. "Gladys" pagkarinig ko sa boses na malamig na to, pakiramdam ko gusto ko na tumakas sa lahat. Umalis at hindi na kahit kailan babalik. Pagkaharap ko kay auntie "*paaaaaaakk!*" isang malakas na sampal ang natanggap ko. Hindi ko mapigilang mapahagulhol dahil sa sakit. "Anong sabi ko sayo ha?!" Nanlilisik na matang tanong sakin ni auntie "Auntie, sorry" "Sorry?!" Sigaw niya at paulit-ulit akong sinampal. "Auntie tama na" malakas na iyak ko. Hindi ko na kaya, ang sakit hindi lang ng sampal ni auntie. "Disgrasyada ka! Para kang nanay mo! Makating higad!" Napapaiyak nalang ako. Ito ang unang beses na narinig ko si auntie na magsalita tungkol sa nanay ko. Simula pagkabata, wala akong nasilayang nanay at tatay. "Imbis na magpapakasal ka sa anak ni mayor para naman medyo umangat-angat tayo sa buhay, ayan! Nagpabuntis ka pa!" Sigaw ni auntie at hinila ang buhok ko. "Auntie tama na!" Umiiyak na sigaw ko pero imbis na tumigil ay tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig. Tulong. "Ngayon anong pakinabang mo?! Wala!" Sabi ni auntie at tinadyakan ako Umiiyak lang ako habang sinasaktan ni auntie at tinitingnan lang ni Jamie "Sorry auntie, please" pagmamakaawa ko sa kanya. Ang sakit. Nakakapagod. **************** "Anong gagawin ko, baka sinasaktan nila si Gladys" pagkausap ni Jenna sa sarili Hindi niya maiwasang mag-alala para sa kaibigan. Paano nalang kung napahamak siya? Buntis pa naman yun. Sorry Gladys! At sabay pindot sa numero ni Alex pero hindi ito sumasagot. Nakailang ulit pa itong tumawag pero wala talagang sumasagot. 'Si cloud nalang! Cloud sumagot ka please' hiling ni Jenna pero sa kasamaang palad ay hindi rin nito sinasagot ang tawag. Hanggang umabot sa ika-limang tawag ay may sumagot rin. "Hel-" "CLOUD!"sigaw niya pero napahinto rin dahil boses babae ang sumagot. Jusko! Bakit mo pa ba binigay yung cellphone sa babaeng ito? Emergency to! Emergency! "Sorry ma'am pero busy pa po si sir Cloud, I am his assistant ma'am. May kaialngan po sila?" Magalang na tanong ng babae "Emergency to! Emergency! Kailangang kailangan ko talaga siyang makausap ngayon" nagmamadaling saad ni Jenna "Sorry po ma'am pero bawal pong ihinto ang meeting, malalagot po ako" "Ako bahala sayo! Sige na please! May kailangan lang akong sabihin sa Alexander na yun!" Desperadong sabi ni Jenna "I'm sorry po talaga ma'am, mamaya nalang po kayo tumawag pagkatapos ng meeting" "Tang*na naman! Kailangan ngayon na p*ta! Importante ang sasabihin ko!" Sigaw na ni jenna, hindi na rin niya maiwasang mag mura dahil hindi talaga pumapayag ang assistant. "Sorry po ma'am pero kung manggugulo lang po kayo papatayin ko na po ang tawag" "Tang*na naman!! Hoy babae! Kapag nagalit ang boss ng kompanyang tinatapakan mo harapin mo ha?! Kasalanan mo to!" Sigaw ni Jenna at pinatay ang tawag. Kalahating oras na ang lumipas pero hindi parin tumatawag pabalik si Cloud. Kinakabahan na talaga si Jenna. Naisipan nalang niyang pumunta sa kompanya "Bilisan mo naman manong! Emergency lang!" Sigaw ni Jenna Pagkababa niya sa taxi ay nakalimutan pa nitong magbayad. "Hoy bayad mo!" Napabalik naman si Jenna 'Kainis, sayang din ang ilang segundo' inis niya saad sa sarili at bumalik para magbayad. Papasok na sana siya sa building pero hinarangan naman siya ng guard. Takte malas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD