Chapter 7

1049 Words
Nakasuot ako ng skinny jeans na white at blouse na kulay light pink. Nakasuot naman ng jeans si alex at white t-shirt. Naka doll shoes ako na kulay pink with ribbon sa unahan at si Alex naman ay naka rubber shoes na black. Nakasakay kami sa taxi ngayon kasi pinigilan ko siyang magdala ng kotse na mamahalin. Ayoko ng agaw-atensyon dahil siguradong pag-uusapan na naman ako ng mga tao. Nakakatakot ang mga sinasabi ng ibang tao kahit hindi ka kilala basta wala silang magawa ay sasabihan ka ng kung anong masasamang salita kahit hindi nila alam ang totoong dahilan. Iniisip ko parin kung anong mangyayari kapag nalaman ni auntie na buntis ako. "Hey" rinig kong sabi ni Alex na nagpabalik sakin sa realidad. "Everything's going to be alright, I'm right here with you. You don't have to be afraid" malambing na saad niya na nagpangiti naman sakin. "Salamat" yun lang ang nasabi ko at napatingin ulit ako sa labas ng bintana ng taxi. Malapit na kami sa inuupahan kong bahay. Pagkahinto ng taxi sa harap ng bahay ay pakiramdam ko parang halos lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k. Paano kung nalaman na ni auntie ang totoo? Nakikita ko kasing nakabumas ang pintuan ng bahay. Pagkatapos bayaran ni alex ang driver ay hinawakan niya ang kamay ko bilang suporta. Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko ang nakaupong babae sa sala. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng hindi si auntie ang nakita ko kundi si Jamie. "Jamie"pagtawag ko sa pangalan niya at dahan-dahan naman siyang humarap sakin. Tumayo siya at lumapit naman ako sa kanya sabay bitaw ng kamay ko kay alex. "Hinahanap kita dahil nag-aalala ako sayo pero nakahanap ka na agad ng lalaki? Hindi niya ba alam na buntis ka?" Galit na saad niya sakin. Masakit na marinig yun sa kanya pero ngumiti nalang ako sa kanya. "Jamie, gusto mo ba ng maiinom? Ipaghahanda kita ng maiinom--" "*paak!*" "Glandys!" Sa lakas ng sampal niya ay muntikan na akong matumba buti nalang nasalo ako ni alex ay inalalayan akong tumayo. Nakayuko lang ako at nakahawak sa pisngi ko. Naiiyak na ako pero alam kung nagalit ko siya. "Nagpabuntis ka tapos ipapaako mo sa iba?! Ganyan ka na ba ka desperada?" Sigaw niya sakin Ramdam kong gustong magsalita ni alex pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa kung ano man ang sasabihin niya. Ayoko lang naman lumala ang sitwasyon. Nakakapagod din kasing isipin na kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Gusto kong tanggapin yung galit niya sakin para matapos na to. "Alam mo bang malaki ang plano ni tita para sayo? May balak pa naman siyang ipakasal ka sa anak ng mayor sa probinsya pero anong ginawa mo? Sinira mo lahat ng yun! Pati yung pangako mo na sabay dapat tayong ga-graduate wala na kasi buntis ka na!" "Pwede pa naman akong mag graduate Jamie, ilang linggo nalang" "May balak ka pa talaga? Hindi ka ba nahihiya na haharap ka sa intablado na buntis ka?" Sarkastikong sabi niya sakin. Pero gusto ko lang namang maka graduate, hindi lang para sakin kundi para sa anak ko. "Hindi na ako magtataka kung balang araw ikakahiya ka ng anak mo dahil sa kalandian mo!" Huling sabi niya bago umalis. Niyakap lang ako ni alex at para bang ulan na bigla nalang bumuhos ang luha ko. "I'm sorry I didn't protect you." Paghingi niya ng tawad. Kasalanan ko naman kasi to eh. Sinira ko lahat ng plano ni auntie para lang sakin. Masama na ba akong tao? Gusto ko lang namang makapagtapos ng pag-aaral para hindi na rin ako mahirapang maghanap ng trabaho. Para sa sarili ko, para sa anak ko. Hinawakan ni alex ang mukha ko at sinuri ang sampal na ibinigay ni Jamie sakin "Its swelling, I'll let my men pack your things" tanging sabi niya at binuhat ako paupo sa sofa Hinawakan niya ang mukha ko at kumuha ng first aid kit. Meron siyang pinahid sa pisngi ko na ointment. "Does it still hurt?" Nag aalalang tanong niya pero umiling lang ako. "Everything will be alright, go and wear your uniform. I'll wait you here" sabi niya pa na tinanguan ko nalang at pumasok sa kuwarto ko. Bakit ba hindi ako maintindihan ng kaibigan ko? Hindi pa nga niya alam kung sino si Alex pero ang sama na ng tingin niya sakin. Akala niya naghanap ako ng lalaking aako sa anak ko. Tumingin ako sa salamin at tiningnan ang repleksyon ko. Ang mukha kong basa ng luha, ang kaliwang pisngi kong unti-unti nang nawawala ang pamumula. Napaiyak nalang ako. Sobrang laki ng kasalanan ko. Alam ko namang mali pero anong magagawa ko? Unti-unti na akong nag bihis ng damit ko. Ang white long sleeve polo at skirt na black pati ang ribbon na red sa leeg ko. At ang sapatos ko na may heels. Nag braid lang ako ng buhok na hanggang bewang ko ang haba. Straight ang buhok ko na itim ang kulay. Bumaba na ako at nakita kong nakatayo si Alex malapit sa may bintana na may kausap sa cellphone. "Teach her a lesson" yun lang ang huling narinig ko bago ko tinawag ang pangalan niya. "Alex?" Tawag ko at lumingon naman siya sabay ngiti. "Are you okay now? Do you really want to go to school?" Tumango lang ako habang nakangiti. Ayoko namang maapektuhan ang pag-aaral ko dahil lang sa sinabi ni Jamie. "Ihahatid na kita" suggest pa niya "Pero diba may trabaho ka?" Nag aalalang tanong ko pero ngumiti lang siya at niyakap ako. "I still have time. Don't worry, mag ta-taxi tayo para hindi agaw-atensyon okay?" Tumango naman ako sa kanya. Sana maging maayos lang ang lahat. Pero bakit parang masama ang kutob ko ngayon? May hindi ba magandang mangyayari sakin sa school? Hindi ako mapakali habang nakaupo ako sa backseat kasama si alex. Napatingin naman siya sakin at hinila ako palapit sa kanya. "Are you okay? Do you need something?" "Wala, masama lang ang kutob ko ngayon eh. Pakiramdam ko talaga may mangyayaring hindi maganda" "What? How about go we go back to the house? It's safe there" "Okay lang. Nagkamali lang siguro ako" iling ko at ngumiti nalang. Sana nagkakamali lang ang kutob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD