Kinabukasan, maagang nagising ang apat at pumunta sa kuwarto ni Gladys at Alex. Hindi pa man sumusikat ang araw ay gising na ang lima at naghahanda na para sa kanilang gagawin samantalang sa parte naman ni Katherine, maaga din itong nagising at hindi maganda ang gising nito. Sino ba naman ang gaganda ang gising kung puro pasa ang pagmumukha nito? Diba wala naman talaga? Bigla namang may tumawag sa cellphone ni Katherine at nakalagay dito ay tanging numero lamang. Mabilis namang sinagot ni Katherine ang tawag pagkatapos lumunok ng laway dahil sa kaba. Itinapat ni Katherine ang cellphone sa kanyang tainga. "Hello?" Mahinang sagot ni Kath sa tumawag. "Did you feed the drugs on Angelo's drink?" Deretsong tanong nito kay Kath "Yes, pero....baka kung anong mangyari sa baliw na yun kapag p

