"Oh ayan, tingnan mo oh andaming mga handsome and rich bachelors dito sa Pilipinas,baka naman pag-uwi mo mamaya ay limot mo na ang Aedan na 'yon !" Malakas na sambit ni Diane nang lumabas sila galing sa loob ng kwarto nila sa hotel.Nakasuot na sila ng two piece, syempre pool party iyon kaya need nilang makipag blend in sa mga taong nandoon.Totoo ang sinasabi ni Diane, umaapaw sa kagwapuhan ang mga kalalakihang nandoon sa party.Marami ring mga kababaihan ang nandoon at ang party na iyon ay exclusive lamang talaga sa mga imbitado sa event.It means puro mga mayayaman lamang ang nandoon. " Baka naman gusto mong ipagsigawan pa sa mic noh?" Aniya rito.Mabuti na lamang ay malakas ang tunog ng music na nanggaling sa pool side kaya hindi naririnig ng mga ito ang pinagsasabi ni Diane kahit parang l

