Umaga pa lamang ay bumiyahe na sila ni Hector patungo sa probinsya kung saan gaganapin ang pictorials nila.Magkasama sila sa van nito samantalang ang ibang mga crew nito ay nasa ibang van. Limang oras ang biniyahe nila bago sila dumating sa probinsya kung saan kilala na may napakagandang kalikasan. Ewan nga ba niya kung bakit dito pa gaganapin ang venue ng photoshoot nila .Pwede naman sana sa isang studio na lamang at green screen na lang ang background.Pero sino nga ba siya para tumutol sa desisyon ng may-ari ng airlines? Maybe, he wants something unique. Sa isang ancestral house sila tumigil.Ang sabi ni Hector, pag-aari raw ito ng Lola nito. "Asia, nasa taas ang kwarto mo Halika ipakita ko sa'yo!" anito. Sumunod naman siya sa lalake sa itaas .Dala nito ang maleta niya.Actually ,lim

