" Miss Asia, you need monthly booster shots para pampakapit at the same time immune boosters mo na rin at ni baby." sambit sa kanya ng doktora . Nasa Cebu na sila ngayon, kaagad naman siyang inasikaso nang dumating sila. Napag-alaman niya na isa si Hector sa mga may-ari ng hospital na iyon na tanging mga mayayaman at kilalang tao lamang sa lipunan ang nakakapag access doon. Narinig na niya ang pangalan ng hospital mula sa Kuya Adrian niya dati dahil ito naman ang panay punta rito sa Cebu. Mabilis lang naman silang dumating sa Cebu dahil private chopper ni Hector ang gamit nila. Isang private nurse lamang ang kasama niya ngayon, ni hindi pa nga niya ulit nakita si Hector hanggang ngayon. " Dok, m-magkano naman po ang isang booster ?" Tanong niya. Alam naman niyang napakamahal nun . " N

