"Maraming salamat Asia ha?Basta kapag nakabawi na ako,isasauli ko kaagad sa'yo.Pasensya ka na,pati ikaw ay nadamay pa sa problema ng kompanya ko." "Sino pa ba ang magtutulungan di ba?Kung di tayong dalawa lang naman."aniya rito. Kasalukuyan siyang nakahiga sa bisig ni Aedan.Pareho silang hubo't hubad sa sandaling iyon dahil katatapos pa lamang nilang magtalik.Plano nilang dalawa na magkita sa kanilang hideout sa araw na iyon dahil dadalhin niya ang gold card niya na kinuha niya ulit sa Mama niya. "Babawi ako, Asia.Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka----" "Wait lang ----" sambit niya nang makaramdam ng paghihilo at natatarantang pumasok sa loob ng Cr upang sumuka sa bowl. "Why in a hurry?Anyare?Are you okay Asia?Parang namumutla ka?" nag-aalalang tanong ni Aedan nang lumabas siya

