Cinco minuto pa lamang ang lumipas nang umalis ang Kuya niya ay siya naman ang kaagad na umalis sa mansion. Pupuntahan niya ngayon si Aedan sa hospital.Bahala na kung magtataka si Lilac sa kanya kung bakit siya nandoon ulit kahit na kakabisita pa lamang niya.She should remind Aedan her importance.Baka nakakalimutan na nito ang utang nito sa kanya?Hindi maliit na halaga ang ibinigay niya rito, pawis at pagod niya iyon sa kanyang pagmomodelo.Yun na nga lang ang inipon niyang pera para sa sarili niya . "Ma'am, sino po ang dadalawin nila?" "The patient name is Lilac Gates." sagot niya sa Nars na lumapit sa kanya nang lumabas siya mula sa elevator. "Sorry po Ma'am pero kakalabas lang po nila this morning." sagot nito. She sighed.Useless ang ginawa niyang eskapo sa mansion,di naman pala niy

