Tinanggap na nga siya sa carenderia pero hindi bilang isang dish washer kundi isang waitress .Sayang raw ang ganda niya ,sabi ng may-ari ng carenderia. Four hundred pesos ang sweldo niya sa isang araw.Napakaliit na halaga nun , barya lang kung iisipin niya pero sa sitwasyon niya ngayon ay sapat na yun para makaipon siya .Wala siyang ibang choice kundi ang maging isang waitress .Wala naman yatang makakakilala sa kanya , kung meron man ay bahala na. Wala naman ibang mga establishents na maaari niyang pasukan sa probinsya kundi ito lang carenderia na nasa terminal. Nakatoka siya sa umaga.Alas siete ng umaga hanggang alas sinco ng hapon ang trabaho niya.May isang araw rin naman siyang day off. Napatingin siya sa mga taong kumakain sa carenderia.First time niyang manilbihan sa ibang tao, sa

