“ Good morning! I brought you snacks,” bati niya kay Aedan nang buksan niya ang pinto ng office nito. May binabasa itong papeles at tumigil lamang nang makita siya. Lumapit muna siya sa lalake upang dampian ito ng halik sa pisngi. “ You surprised m again.”anito. Hindi niya sinabi sa lalake na dadalaw siya. Actually, ngayon ang signing of contract nila ni Hector para sa pagmomodel niya sa airlines nito. Sa isang hotel sila magkikita na malapit lang din sa company ni Aedan kaya naisipan niyang bilhan ito ng meryenda. “ This is unplanned actually, may appointment ako sa isang hotel na malapit lang rin dito kaya naisipan kitang dalawin at dalhan ng meryenda.” “ Thanks baby, by the way are you free tonight? May ipapakita lang sana ako sayo.” sambit pa nito. “ Yeah basta ikaw palagi akong

