" H-Huwag please! Dont take away my baby! " Basang basa siya sa sariling pawis nang maalimpungatan siya. Napakasamang panaginip , 'yung tipong parang nangyayari talaga sa totoong buhay. But then it was just a bad dream. Aedan took away her child but she can't do anything about it. " Asia!" tawag sa kanya ni Hector . Kaagad naman niya itong niyakap nang mapagtantong nasa tabi niya ang lalake. Bigla siyang naiyak habang kayakap ang asawa. Parang makatotohanang sakit ang nararamdaman niya lalo na sa kaibuturan ng kanyang puso. " That was just a dream, " Tumayo si Hector at kumuha ng bottled water sa bedside table. " Uminom ka muna," wika nito. Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay muli siyang humiga sa kama. Mahigpit siyang niyakap ni Hector. " Nandito lang ako sa tabi mo, matulog ka

