“I will be very busy preparing for Aedan’s birthday next month. I will surprise him, do you think it's a nice idea?” Tanong sa kanya ni Lilac habang bumabyahe na sila pabalik ng Maynila.Tapos na ang isang linggo nilang photoshoot at dahil sa pangungulit nito sa iisang sasakyan lamang silang sumabay pauwi ay pumayag siya. Si Aedan ang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi naman nito naririnig ang pinag-uusapan nila dahil nagbubulungan lamang sila ni Lilac. Oo nga pala, kaarawan na ni Aedan next month. Dati kapag kaarawan nito , gusto ni Aedan na silang dalawa lamang ang nag cecelebrate . He is a private person, mas gusto siya nitong makasama sa espesyal na okasyon nito sa buhay. Nakakalungkot isipin na hindi na niya ito masosolo . Maybe this is their destiny pero ipipilit pa rin niya ang pag-

