Wala raw si Hector nang hinanap niya ito kinaumagahan ng magising siya. Nagluto pa naman siya ng masarap na almusal. Akala niya ay siya ang pinakamaagang nagising, hindi pala dahil mas maaga pala si Hector . May importante raw itong lakad ayon sa isang kasambahay nito kaya nag-almusal na siyang mag-isa. Bihira lang din naman silang magkasabay na kumain kumbaga, nasanay na siya. Uminom na rin siya ng gatas pagkatapos mag-almusal. Nagpahangin sa labas ng Villa at nang mapagod ay umakyat na ulit sa kwarto. Sa tanghali naman ay si Aling Letty ang nag-akyat ng pagkain sa kanya. Nagluto pala ito ng tinolang manok. TInanong niya kung dumating na si Hector ngunit umiling lamang ito. Maybe he is too busy for the upcoming blessings ng Villa. Oo ng naman pala, ito ang nag-aasikaso sa lahat. " Iha,

