" Kumain ka na ba?" Tinaasan niya ng kilay si Hectorsa tanong nito. Wow lang ano? Alas dos na ng hapon tapos tatanungin pa siya kung kumain na ba o hindi pa? " Tapos na!" Padiin niyang wika rito. " Galit ka yata? Bakit ba palagi kang galit this past few days? Ah, ako yata ang pinaglilihian mo ano? Sige lang, laban lang para paglabas ng bata, kasing gwapo ko!" natatawang sagot nito. At nakangiti pa talaga ito ngayon? Well, sino nga ba ang hindi magiging happy di ba? Nakaiskor ito ng dalawang araw sa babaeng 'yon. Parang ayaw na niyang makita itong si Hector. " Then good, akala ko kasi hindi ka pa kumain.Magpapadeliver sana ako ng foods rito!" " Thank you na lang! " tanging sambit lang. Doon na lamang ito sa babaeng 'yon magpa deliver ng pagkain . " Well, nagpa handa ng special dinn

