Riya’s POV Nakatayo ako ngayon sa puntod ng isang pamilyar na pangalan ngunit burado na sa isipan ko ang mga alaala ko kasama siya. Nakatitig lang ako ngayon sa mga letrang nakasulat sa lapida niya at pakiramdam ko, sasabog na ang utak ko kakapilit na maalala siya. “Kung patay na siya, nasaan ang Papa ko at kapatid?” tanong ko kay Jace na kapansin-pansin ang pag-iwas sa akin. Nilingon ko pa siya dahil sa tagal niyang sumagot. “Hindi ko pa alam. Hinahanap pa rin namin ang Papa mo.” “Are you still upset about the other night?” hindi ko na mapigilang itanong sa kanya. “This is not about me, Riya. We have to focus on finding your father. Gusto ko ng matapos ‘to para gumaling ka na.” Para siyang babaeng may dalaw. Ang labo niya! “Walang humihingi ng tulong mo!” “If this is the only way t

