Chapter 1

4303 Words
Riya’s POV Tanghaling tapat na nang makagarahe ako sa Burnham Park. Kailangan ko lang bumili ng mga grocery items at kaunting gamit na kakailanganin ko sa loob ng walong-taon. Oo, ganoon katagal kong iniisip na mawala sa buhay ng pamilya ko dahil sa sobrang sama ng loob lalung-lalo na sa kapatid kong hitad. Iisa lang naman ang Nanay at Tatay namin pero hindi ko talaga maintindihan kung saan siya kumuha ng kapal ng mukha at kalandian para agawin ang boyfriend kong ka-steady ko na since highschool. My fiancé to be exact. Second year high school ako nang sagutin ko si Ed. Edward Matthew Carbonel. Kaklase ko siya simula pa lang noong grade three at ang lalaking iyon ang una kong naging kaibigan mula nang lumipat ang pamilya namin sa Maynila mula sa Sagada, nine-months old pa lang noon si Trish. Siyam na taon ang tanda namin ni Ed kay Trish, ang magaling kong kapatid at ang inakala kong Kuya at bunsong relasyon ng dalawa ay isa palang kasinungalingan. Isang malaking joke na ako lang ang biktima. Masyado ba akong naging busy sa pagiging author-illustrator ng sikat na comics ngayon sa mga kabataan kaya nagawa akong masalisihan ni Trish? Alam ko namang matagal ng crush ng kapatid ko ang boyfriend ko pero hindi ko inaasahang aabot sa ganoon ang lahat. I am still hurt. Yes, ako si Riya Del Rio, isang sikat na comic artist at nasasaktan din ako. Wala namang kahit na anong gamut ang makakapagpaalis agad ng sakit nitong nararamdaman ko lalo na’t halos wala pang isang linggo kaming nag-bi-break ni Ed habang ang kapatid ko ay limang buwan ng buntis. So, they cheated on me and treated me like a fool for that long. Akala ko mapagkakatiwalaan ko silang dalawa! Hindi pa rin ako makaalis sa kotse ko dahil sa hilam pa rin sa luha ang mga mata ko. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin at napamura na lang ako sa nakita ko. I look like a panda bear. Itim ang gilid ng mga mata habang namamaga ang mga iyon pati na ang pisngi ko. Samantalang ang kapatid kong buntis, maganda pa rin! Kaya ba ako ipinagpalit ni Ed dahil sa mukha akong stress palagi? I was just working my ass off for my career dahil ayokong isipin ng lahat na kaya ako successful sa pagiging comic artist ay dahil sa ang fiancé ko ang may-ari ng publishing house na nagpo-produce ng mga comic books ko. Tapos, ito ang igaganti niya sa akin? Sana masaya na sila! Nang makahugot ng kaunting lakas, nagpunas na ako ng luha sa mga mata at nagsuot ng shades sa mata. Hindi porque sinaktan nila ako, magpapatalo na ako. Wala namang rule dito sa mundo na kapag talo ka, hindi ka na pwedeng bumawi. Kailangan ko lang magpalakas dito hanggang sa makabalik ako sa dati. After all, Trish is still my sister. Hindi ko siya pwedeng habambuhay na iwasan at kamuhian, kahit deserve niya ‘yon. Itinago pa talaga niya ng ilang buwan ang pagbubuntis niya pero hindi niya kayang magsinungaling sa akin, lalung-lalo na sa akin dahil mas kilala ko siya higit pa sa pagkakakilala niya sa sarili niya. Bata pa lang, mahilig na talaga siyang mang-agaw ng hindi kanya, palibhasa nasanay siyang pinagpapasensyahan. That’s what my parents taught me. Dahil daw mas matanda ako, dapat palagi akong umintindi at magparaya. Ginawa ko naman. Ginagawa ko naman. At ano’ng nangyari sa pagiging mapagbigay ko? Palagi akong nasasaktan. Trish ended up ruining my 29th birthday party. Imbes na marriage proposal ang iniyakan ko nang gabing iyon mula kay Ed, isang malalang “Sorry, it just happened” at “I love your sister” lang mga salitang nakuha ko mula sa lalaking nanumpa na ako lang ang mamahalin. Isang linggo pa lang ang nakaraan mula ng mangyari iyon kaya sobrang sakit pa rin sa tuwing maaalala ko. I almost killed both of them. Kung hindi lang dahil sa batang dinadala ng bunso kong kapatid, malamang hindi ko palalagpasin ang bawat pagkakataon na makukuha ko para saktan sila. Pero para sa bata, kailangan kong mag-isip ng matino. Ang mas masakit lang sa mga nangyari ay ‘yung katotohanang napapansin na pala ng mga magulang namin ang tagong relasyon nila Trish at Ed pero wala man lang silang ginawa para pigilan ang mga ito o sabihan man lang ako na hindi na dapat ako nag-aaksayang mag-ipon para sa kasal at sa future namin ni Ed na inagaw n ani Trish. Nagmukha akong tanga. Akala ko, mayroon na akong perpektong buhay gaya nang pangarap ko noong bata pa lang ako. Ang lahat pala iyon, ilusyon lang. Kaya nga kahit ano’ng pakiusap ni Mama sa akin, hindi ako nakinig nang sinabihan niya akong sa bahay na lang ako mag-stay dahil kailangan ng kapatid ko ng Ate. I-pinush ko ang pagtira sa dati naming bahay sa Sagada, Mountain Province dahil mas kailangan ko ng peace of mind. Pinilit ko na lang na mangakong babalik na lang ako sa araw ng kasal ng dalawang traydor. Like it is my obligation. Nangako lang naman ako ng ganoon para sa mga magulang naming kasi kahit na hinayaan nilang mangyari ito sa amin, mahal ko pa rin sila. Kahit ano pa ang nangyari, sila lang naman ang pamilyang meron ako. Oo nga’t galit ako, pero hindi nabawasan ng ginawa nila ang pagmamahal ko sa kanila lalo na kay Trish bilang Ate niya. Kailangan ko lang talaga ng panahon para matanggap ang lahat. Isa pa, hindi naman lahat ng pinagsamahan namin masama. Sa totoo lang, madami akong alaala na masaya kami. Malambing na bata si Trish at ang alam kong kakampi ko siya noon sa lahat ng bagay. We used to protect each other. Lalo na sa tuwing may bashers ang mga kwentong ginagawa ko noong nagsisimula pa lang akong magsulat at gumihit ng comics. Binabalikan ko na lang ang lahat ng masasaya naming sandaling magkapatid sa tuwing tumitindi ang galit ko para kay Trish. Para na akong mababaliw. Kaya bago pa mangyari iyon, lumabas na ako sa kotse ko habang naka-shades sa mata bitbit ang mga empty eco bags ko pang-shopping. Jace’s POV Ano bang klaseng buhay ‘to! Ipinagpalit na nga ako sa matandang may asawa, nasalisihan pa ako ng magnanakaw sa kalagitnaan ng bayan dito sa Baguio! I can’t blame people. Siguro ganoon lang talaga kapag nagipit. I knew Bea very well, lahat gagawin niya para sa pamilya niya lalo na kapag kinailangan. Iniisip niya sigurong si Mr. Pascua ang sagot sa lahat ng financial problems niya dahil hindi niya maasahan ang kinikita ko sa studio. Photographer lang ako. Isang lalaking walang ibang pangarap sa buhay kung hindi ang kumuha ng litratong hahangaan ng lahat. I do simple things because I believe that life should never be that complicated. And it’s not my fault that my mom and I are alike. Sinusuportahan niya ang pagiging easy-go-lucky ko dahil hindi toxic na tao ang Nanay ko. I admit, hindi nga ako nakakakuha ng permanenteng income dahil hindi naman parehas ang kinikita ko sa studio. Depende palagi iyon sa panahon lalo na kung may mga okasyon. Isang bagay ‘yon na hindi mahalaga sa akin dahil wala pa naman sa isip ko ang lumagay sa tahimik. Kaya nga pinakawalan ko na si Bea. Kung sasaya siyang maging pangalawang babae sa buhay ng kung sinong lalaki, wala na akong pakialam. My only problem now is how I can go home without my bag! Wala akong pera, wala akong cellphone! Lahat nasa bag ko! Fuck! I was just buying a drink when some thieves picked up my bag and run away. Kahit gaano kabilis akong tumakbo, hindi ko pa rin siya naabutan dahil mukhang hindi siya nag-iisa. Nakita ko kaninang may pinagpasahan ang hinahabol kong magnanakaw at hindi ko na mahagilap ngayon ang may hawak ng bag ko. Malapit na akong sumigaw at mabaliw nang makita ko ang bag ko. Bitbit ng isang lalaking payat. Kumpara sa katawan ko, mas maliit siya. For sure I can knock him down. Mas naging determinado tuloy akong mahuli sila. Police? Hindi ko na sila kailangang idamay dito. I don’t trust them anyway. Tumakbo ang magnanakaw papunta sa Tiong San Harrison kaya duon ako sumunod. Malapit ko na sanang maabutan ang may hawak sa bag ko nang may mahagip akong babae. Dumilim ang paningin ko nang madapa sa gitna ng karagatan ng tao sa gilid ng Department Store na ‘yon. Then I smell vanilla from something that’s blocking my face. Nang mag-angat ako nang mukha ganoon na lang ang takot na naramdaman ko. Mahabaging Diyos! Patawarin niyo po ako! Riya’s POV Habang payapa akong naglalakad sa tapat ng Tiong San Harrison, may mamang payat na akong nakita na tumatakbo pasalubong sa akin kaya nga umiwas ako. Akala ko nakaligtas na ako sa kapahamakan nang may isa pang lalaking pasalubong din sa dinaraanan ko habang tumatakbo at biglang nakabangga sa akin. Sa sobrang lakas ng impact, dalawa kaming nabuwal sa maduming sahig. Unlike romantic movie clichés, hindi nakapatong sa akin ang lalaking iyon in an eye level kung hindi nakasubsob ngayon ang pagmumukha niya sa boobs ko! Duon lang ako napatili. “Ahhhhh!!!” Hinampas ko agad ang mukha niya ng dala kong eco bag kaya mabilis siyang napatayo. Napabalikwas din agad ako saka tinakpan ang mayaman kong hinaharap. Malusog pa naman ang magkabila kong dibdib dahil dati akong chubby kaya hindi na ako nagulat nang mataman iyong titigan ng lalaking nakabangga sa akin na parang naroon ang mukha ko. Triggered, nag-bungangera mode on agad ako nang makatayo. Halata naman na nag-aalala ang lalaki sa kanya dahil sa nangyari. “Ano tingin mo dito? Field? Mukha ba akonghurdle? Saka ano’ng tinitingin-tingin mo sa dibdib ko! Manyak ka!” “I’m sorry.” Ang alam ko, dapat kapag nag-sosorry, mukhang totoong nagsisisi pero ang isang ito parang sinabi lang ang mga salitang iyon para manahimik na ako. “Sorry ka d’yan! Ang sakit kaya!” kinapa ko ang sarili ko at nakita ko ngang dumudugo ang braso ko. “Oh my gosh! Tingnan mo! May sugat ako!” Duon lang dumagsa ang kaba sa mukha ng lalaking gwapo sana pero may pagkamanyak. “Dadalhin na kita sa ospital.” Sabi niya— na sa pagkataranta siguro niya ay agad na niya akong hinablot sa kamay at kinaladkad nang hindi man lang ako tinatanong kung gusto ko bang sumama sa kanya Nagawa ko lang siyang mapigilan nang masipa ko ang binti ng walang-hiya. “Bitiwan mo ako!” nakakapagtaka lang na marami namang tao pero parang walang may pakialam sa akin. “Aw!” siya naman ang nanguyimpit sa sakit. Napaupo pa siya sa sahig. “Aray! Bakit mo ako sinipa?” “Kinakaladkad mo kasi ako! Kidnapper ka no? Bagong modus ba ‘to?” nakukuha na namin ang atensiyon ng ibang tao sa pagsigaw ko pero wala pa ring lumalapit para tulungan ako. Habang hindi pa rin siya makatayo dahil sa pagsipa ko sa kanya. Normal na pagkaawa ang reaksyon ko sa mga ganoong sitwasyon kaya agad ko siyang nilapitan. Paano kung malumpo ko ang lalaking ito? Imbes na ako ang biktima, ako pa tuloy ang makakasuhan ng physical injury. “Okay ka lang?” sabi ko “Aray! Hindi ko magalaw ang paa ko!” sigaw niya. “Agad-agad?” “Para kang lalaki kung manipa!” Inalalayan ko ang gwapong estranghero na makatayo, pero mukhang nagkamali ako sa ginawa dahil bigla niya akong binitbit na para akong isang sako ng bigas na nasa balikat niya. Mabuti na lang at hindi pa ako nakakapagsimulang mamalengke dahil tiyak na masasayang lang ang mga iyon. Sigaw na ako ng sigaw pero wala talagang mga tao sa paligid ang may pakialam. Iyon naman pala, sinasabi ng lalaking ito na may LQ lang kaming dalawa. Hanep diba? Inilapag lang niya ako sa lupa nang makarating kaming dalawa sa Divine Mercy Clinic. Ang walang-hiyang iyon? Saan siya nakakuha ng lakas para mabuhat ako papunta duon? “Oh, ayan ah, dinala na kita sa clinic. ‘Wag mong asahan na ako pa magbabayad niyan. Nanakawan ako ng wallet. Salamat sa’yong paharang-harang sa daan kaya hindi ko na nahabol ‘yung gagong ‘yun.” Pagkasabi no’n iniwan na ako ng lalaki. “Boyfriend mo ba ‘yun?” tanong ng nurse na gumagamot sa sugat ko ngayon. Awkward ang ngiting ibinigay niya dito. “H-Hindi po.” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa lalaking iyon. May dahilan naman pala kung bakit ito tumatakbo kanina at dahil pala sa akin kaya hindi na niya naabutan ang masamang loob na nagnakaw ng gamit niya. Imbes na natulungan ko siya, iniwasan ko pa ang payat na lalaking mukhang hinahabol niya kanina. I felt really bad. Ipagdadasal ko na lang siguro siya. Jace’s POV Wala na akong panahon para makipagtalo kaya dinala ko na lang ang babaeng ‘yon ng sapilitan sa clinic para malinis ang kunsensya ko. Hindi ko naman sinasadyang lumanding sa dibdib niya. Kapag nahuli ko talaga ang mga magnanakaw na ‘yon, yari sila sa akin. Dahil sa pagod sa paghahanap, naupo na lang ako sa isang malapit na parking lot sa Burnham Park. Ang daming mga couples duon ang namamasyal. Hindi ko tuloy maiwasang maisip si Bea. Akala ko iba siya sa lahat. Akala ko, totoong mahal niya ako dahil kahit hindi ako katulad ng mga prince charming na gusto ng mga tipikal na babaeng katulad niya, binigyan niya pa rin ako ng chance na maging parte ng buhay niya. Totoong minahal ko si Bea. Pero dahil sa mga nakita at nalaman ko, parang mas maigi na nga lang na pinalaya ko na siya. Siguradong pagtatawanan lang ako ni Mama kapag nagmakaawa pa ako sa babaeng ‘yon. Biktima si Mama ng mga kabit. My businessman father is a very good example of an uncontented husband. My mother is pretty and lovely. Maalaga naman siya sa pamilya kahit hindi siya magaling sa mga gawaing bahay. At least I knew she was really trying, kahit hanggang ngayon naman. Pero kahit gaano pa kabuting asawa ang Nanay ko, nagawa pa rin siyang ipagpalit ni Papa sa mas bata. Nakikita ko iyon noong nag-aaral pa lang ako at alam kong alam din ni Mama pero nagtiis pa siya ng ilang taon para sa akin. Nag-iisa niya akong anak at ayaw niya raw na tuluyan akong maging mag-isa sa buhay kapag naghiwalay silang dalawa. Hanggang sa ako na ang nagpalayas sa Papa ko. He doesn’t deserve a woman like her. Ilang taon ko na ding kinukumbinsi si Mama na mag-asawa na ulit pero ayaw niya dahil sasamahan pa daw niya ako hanggang sa makapag-asawa ako at magkapamilya. I honestly thought that it could be Bea. Hah. Nagkamali ako. Naihilamos ko na lang ang palad ko sa mukha ko atsaka nagpahinga. Pagod na pagod ako sa pag-akyat at pagbaba ko sa bundok kaninang madaling araw tapos ganito ang maaabutan ko. Hindi naman siguro masamang magpahinga. Ano kaya ang gagawin ko para makauwi? A. Kakanta ako dito sa Burnham Park at magba-busking? B. Manghihiram ako ng cellphone para matawagan si Mama na makakapunta lang dito after 14 days dahil nagpunta siya sa Mount Everest kasama ang mga tropa niya C. O papatulan ko ang mga baklang nakatitig sa akin ngayon? Mom will surely tease me forever for being gay if she found out that I sold myself to people like them. I have nothing against gays, but I am just not one of them. Ang mga nakatingin pa naman sa akin ngayon ay mga matatandang bakla na mukhang interisado sa biceps ko. Kasalanan kong na-addict ako sa gym kaya gumanda ng ganito ang katawan ko. Ngayon, mukhang kakailanganin ko na ang mg ana-invest ko sa mga memberships sa gym na pinasukan ko. Nananahimik akong nakaupo sa batong upuan sa parking lot na iyon at nagdadasal nang maramdaman kong may lumapit sa akin. “Pogi, bakit malungkot ka?” pag-angat ko ng mukha, hindi nga ako nagkamali, naroon na ang dalawang baklang matatanda na kanina pa nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung mapapanatag ako dahil may tutulong na sa akin o matatakot dahil parehas na namumula ang mga mata nila. Hindi ko pa sila kilala. Ayokong manghusga pero masama ang kutob ko sa dalawang ‘to. Pinilit ko na lang ngumiti. “W-Wala.” “Sure ka ba? May dala kaming kotse ng friend ko. Gusto mong sumabay? Saka magkano per hour mo?” napahagikhik ang dalawa. Hindi pa ako natatakot pero dahil sa kanila, ito na ang unang beses na nakaramdam ako noon. May balak nga silang masama sa akin. Riya’s POV Pagkalabas ko sa clinic, dumiretso na agad ako sa palengke. Hindi naman masyadong marami ang nabili ko kaya nakaya kong bumalik sa Burnham Park bitbit ang mga iyon. Duon kasi naka-park ang Mirage ko. Nailagay ko na ang lahat ng mga napamili ko nang makita ko ang lalaking nakabunggo ko kanina. Inobserbahan ko lang ang lalaki. Halatang namomoblema nga siya. Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina. Mukhang lugmok na lugmok ito habang nakatitig sa sahig. Kung totoo nga ang sinabi nito, wala itong dalang kahit na ano. Naawa ako nang napahawak siya sa tyan niya. Plus, he looks tired. Hindi naman ako masamang tao. I know he needs help. Kinuha ko mula sa bag ko ang aking wallet. Balak ko siyang bigyan ng pera at ihatid sa sakayan ng bus pabalik sa Manila. Lalapit pa lang sana ako sa kanya nang maunahan ako ng dalawang bading. Ang mga ito ‘yung tipo ng mga bakla na mukhang kakagamit lang ng pills kaya hindi pa masyadong full-blown ang pagiging dalaga pero overdue na sa pagiging binata. They surely look old. “Pogi, bakit malungkot ka?” narinig kong tanong ng isa sa lalaki. Halata naman sa lalaking iyon na nagulat siya pero pinilit niya pa ring ngumiti. “W-Wala.” He stuttered as if he’s scared. “Sure ka ba? May dala kaming kotse ng friend ko. Gusto mong sumabay? Saka magkano per hour mo?” Napalinga ang lalaki na mukhang nanghihingi ng tulong at eksaktong nahagip yata ako ng paningin niya. Biglang isinenyas ng labi niya na kailangan ko siyang tulungan kung hindi maki-kidnap siya ng wala sa oras. “Ah-Ano po kasi, hinihintay ko lang ‘yung Ate ko.” Katwiran niya saka tumayo sa kinauupuan niya. “Ay, may kasama ka? Bata ka pa?” Ngumiti lang ulit ang lalaki. “Ilang taon ka na?” “T-Twenty-one po.” Nang marinig ko iyon, hindi na ako nagdalawang isip na lumapit. “Halika na.” Napahawak agad ang lalaki sa kamay ko nang umeksena na ako. “Ate.” Ate ka d’yan? Upakan ko kaya ‘to? Oo nga’t 29 years old na ako pero hindi naman ako mukhang ganoon na katanda. Mamaya ko na lang siya gugulpihin dahil sa pambabastos niya sa akin. “Andun ‘yung kotse oh! Halika na!” Hindi ako pwedeng tumigil sa pag-arte dahil nasa malapit pa ang mga judeth. “Ay kapatid mo ‘te?” tanong ng baklang may kulay mais na buhok na palaban ang lipstick at blush-on habang sumusunod sa amin. Tumango lang ako bilang tugon. “Ingatan mo ‘yang kapatid mo, ‘te. “Oo nga ang gwapo.” Sabat ng isa na nakasuot ng kulay neon pink na t-shirt. “Alagaan na lang namin ‘yan.” I sarcastically laughed, sabay irap. Ano tingin nila dito sa tao, pusa? Hindi ko na lang pinansin ang mga side comments ng dalawang muhmuh. Sa takot niya sigurong maging meryenda ng dalawang ‘yon hindi na nahiya ang lalaking iyon nang ituro ko ang kotse ko sa kanya. Nauna pa nga siya sa akin na pumasok. “Thank you and you’re welcome.” Sabi ko nang makaupo na kaming magkatabi sa loob ng kotse ko. “Whew. Akala ko talaga, mapipilitan na akong kumapit sa patalim.” Nakangiting sabi niya. Gwapo siyang lalo sa mas malapitan. “Seryoso? Iniisip mong mamakla?” natatawang sagot ko. “Ano’ng gagawin ko? Nanakawan ako!” he looks cute when he pouted his lips. “Kalma. I will help you. May cellphone ako. Pero dito mo lang pwede gamitin.” Ini-lock ko ang mga pinto ng kotse ko sabay abot sa kanya ng cellphone ko. Halata sa mukha ng lalaking ito na napasimangot siya dahil siniguro kong hindi niya ako maiisahan. Mahirap na, baka modus niya talaga ito. Hanggang mayamaya’y napahagalpak siya sa pagtawa saka iwinagayway ang cellphone ko. “I will not steal this!” May basag na kasi ang screen noon. Oo nga’t kumikita na ako sa mga published comic books ko lalo na at may webtoon pa akong ginagawa ngayon pero hindi naman ibig sabihin noon kailangan ko ng maging waldas. Mas gusto kong maging masinop sa gamit at bumibili lang ng kung talagang kailangan. “Grabe ka huh, wala akong planong gawan ka ng masama. Kung meron, sana kanina ko pa noong buhat kita.” May punto naman siya. Ibinalik niya sa akin ang cellphone ko dahil sa pin at nang ibigay ko ulit sa kanya iyon, saka siya nag-dial. Sabay pa kaming nagulat nang magkaroon ng pangalan sa screen ng phone ko ang number na d-in-ial niya. Melissa Carion. Iyon ang pangalan ng editor ko. Nag-riring na ang cellphone ng tinatawagan niya nang maunahan niya akong magtanong. “Ka-anu-ano mo si Mama?” hindi na ako nakasagot nang sumagot na si Melissa. I can’t believe this! Mama niya ang editor ko? “Hello, Riya?” rinig na rinig ko ang boses ng editor ko sa kabilang linya dahil pinindot ng lalaking ito ang loud speaker. “Miss Riya?” napalingon sa akin ang lalaki nang sabihin ‘yon. Kilala niya ako? “Ma, si Jace ‘to.” Sabi niya sabay kindat sa akin. “Jace? Bakit nasa’yo ang cellphone ni Riya?” Looks like he’s in a deep s**t based on his reaction. Saglit lang ang pagngiwi ng mukha ni Jace na sinundan niya nang malakas na tawang para siyang nababaliw. Oo, tinatawanan niya ang Nanay niya na parang walang masamang nangyari sa kanya. “Mahabang story, Ma.” “Ano’ng ginagawa mo sa Mountain Province? Akala ko ba nasa Hong Kong kayo ng pandak mong step-nanay?” Sa pagkakataong ‘yon mas lumakas pa ang tawa ni Jace. “Ang bitter mo! Umuwi ako agad kasi may nilakad kami ng tropa saka may pinuntahan ako sa Sagada.” “Ay nako, bakit naman nakitawag ka pa kay Riya? Paano kayo nagkita d’yan?” Melissa is a hands-on mom. Kilala ko siya dahil ilang taon na kaming magkasama sa trabaho. Matagal na siyang single mom at itong si Jace ay nakita ko na noong binatilyo pa lang, hindi ko na lang talaga maalala dahil masyadong matagal na panahon na iyon at saglit ko lang siyang natanaw sa labas ng opisina ko nang mga oras na ‘yon. “Nanakawan ako eh.” Sagot ni Jace. “Ano? So, wala kang kahit na ano d’yan?” she sounded so disappointed. “Kahit mga damit ko.” Na-imagine kong napatutop si Melissa sa noo nito. Tiyak kong frustrated na si Melissa dahil sa narinig niya. “Mahahabol ko naman sana ‘yon kung wala lang humarang sa daanan ko.” Nagtuos ang mga mata namin pero ako na rin ang sumuko. Bakit ba kasi ang gwapo niya sa lahat ng anggulo? “Ano ba ‘yan? E paano ‘to, hindi kita mapapadalhan. Alam mo namang nasa Nepal ako ngayon at may akyat kami.” Oo nga, iyon nga pala ang lakad niya pagkatapos kong mag-indefinite leave sa trabaho. Matagal na niyang pangarap ang makapunta duon kaya lulubusin na daw niya ang bakasyon habang nakabakasyon din ako. “Pakausap naman kay Riya.” Inabot sa akin ni Jace ang cellphone ko. “Hello, Melissa.” First name basis lang talaga kami sa office kaya kahit mas matanda sa akin ng twenty years ang editor ko, hindi ko siya tinatawag ng kahit na ate. “Riya, naku, nakakahiya naman ‘to pero kung okay lang sana, ikaw na muna ang bahala kay Jace. Mabait naman ang batang ‘yan. Dalawang buwan ang expedition dito eh.” Aware naman akong mountaineer si Melissa. Pwede ko namang bigyan si Jace ng pera pero sinundan agad ni Melissa ang sinasabi niya. “Kung okay lang, hintayin niya ako d’yan in two months. Hindi pwedeng mag-isa ‘yan sa bahay kasi madami na naman akong lilinisin. At least d’yan sa’yo mahihiyang magkalat ‘yan saka baka kung mapano sa mga barkada. Okay lang ba, Riya?” Minsan lang manghingi ng pabor sa akin si Melissa kaya ano pa nga bang magagawa ko? Dalawang buwan lang naman. “Sige, ako na ang bahala sa kanya.” Nakangiti na si Jace nang balingan ko siya nang tingin. Nagpa-cute pa ang mokong. “Pagkadating namin sa baba, magpapadala agad ako ng pera.” Pangako ni Melissa. “Sige. Wala namang problema. ‘Wag ka ng mag-alala, isasama ko na siya sa bahay.” I can only imagine her sigh of relief when I heard it. “Thank you talaga, Riya! Oh, siya, balik na ako sa camp.” Nang matapos ang tawag, napahugot ako ng malalim na buntong-hininga na ginaya ni Jace. Napairap tuloy ako. “Ang sungit mo naman, Ate.” “Tse! Tigilan mo ako! Hindi mo ako Ate huh!” bulyaw ko sa kanya na tinawanan lang niya. Paano makakapag-isa ng may kasama ngayon, aber? “So ano’ng gusto mong itawag ko sa’yo? Baby?” hindi siya makuha sa tingin kaya naihampas ko na sa kanya ang nahagilap kong scraf sa dashboard. Tawa lang ng tawa ang loko habang naiinis ako. Ang alam ko kasi bago pa lang kaming magkakilala pero bakit parang matagal na kaming magkasama?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD