Chapter XIV–1

1609 Words
Kinabukasan, sinimulang alamin ni Rain ang lahat ng bagay tungkol kay Casimir. Mula sa kung ilang taon na ito, saan nakatira, sino ang madalas nitong kasama, ang mga gusto nito, maging ang pangalan ng mga magulang at kung saan ito tumatambay. Natuklasan niya ring nililigawan nito ang kapatid ni Xena na si Zammarah Frix. Pangalawang araw pa lang ng Foundation Day. Busy pa rin ang lahat pero may time na sila para gawin ang mga bagay na gusto nila. Hindi na singdami kahapon ang mga estudyanteng naroon. Mas pinipili kasi ng ilan ang mamasyal sa kung saan-saan. Sinuot niya ang ripped jeans, black tank top at black cap bilang disguise. Malaki ang kumpiyansa niya na hindi siya maliligaw dahil sa ginawa niyang sketch. Iginuguhit niya sa dalang notebook ang bawat lugar na napuntahan na niya. Kasalukuyan siyang tumatambay sa isang tagong bilyaran malapit sa isang public college. Medyo may kalakihan iyon at may limang billiard tables. Maririnig sa buong silid ang pag-uumpukan ng mga bola. May parte doon kung saan malayang nag-iinuman ang magkakabarkada. May tindahan din kasi sa loob kaya hindi na kailangang lumabas para bumili ng kung ano-ano. Mabilis sumagi sa isip ni Rain ang laman ng diary. Nakasulat doon na may haka-hakang girlfriend si Koen sa paaralan malapit dito, pero wala pang nakapagpapatunay kung totoo iyon o hindi. At wala akong paki kung totoo man 'yon. Dumako ang paningin niya sa kabilang side ng bilyaran kung saan nakapwesto si Casimir at ang katunggali ng lalaki na kung hindi siya nagkamali ng pagkakaalala sa binigay ni Selah, si Ison Jaxx Vidanes iyon. Kasama rin nito si Gemlyle pero umalis ito sandali at pumasok sa men's CR. Sinadya ni Rain na dumistansiya nang kaunti para hindi nito mapansing minamanmanan niya ito. Mayamaya lang, nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura kaya napagdesisyunan niyag bumili na muna. Hahakbang na sana siya nang mag-vibrate ang dala niyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa bulsa at napatulala nang makitang muli ang isang 'di inaasahang caller. Parang may sariling buhay ang puso niya na mabilis nakaalala sa numerong iyon at nagtatatalon na naman sa tuwa. Tama, siya 'yong tumawag sa 'kin noon sa ospital. Ang misteryosong lalaki na nagsabing "My heart is always yours". Wala na siyang sinayang na oras at agad sinagot ang tawag. Huminga na muna siya nang malalim para pakalmahin ang nagwawala niyang sistema. "H-Hello." Humigpit ang hawak ni Rain sa gadyet sa takot na baka mabitiwan niya iyon, lalo na nang marinig niya ang tanong ng nasa kabilang linya. "What are you doing here?" halos pabulong na sabi nito. Teka, sinabi niya bang here? Ibig sabihin nandito siya? "S-Sino ka ba talaga?" kunot-noo niyang tanong. Nagpalinga-linga si Rain sa paligid at tiningnan kung may gumagamit ng cellphone at may tinatawagan, pero isa lang ang natanaw niya at mukhang hindi ito iyon dahil tinawanan ng lalaki ang kausap nito. "Will you just answer my question? Bakit ka nandito?" sunid-sunod na tanong ng lalaking kausap niya at mukhang nauubusan na ng pasensya base sa tono nito. "Bawal ba? Magpakita ka sa 'kin, saka ako uuwi," pagbabaka sakali ni Rain, kahit batid niyang malabo iyong mangyari. Ilang linggo na rin ang nakalipas magmula noong una itong tumawag. At aaminin niya, isang linggo na rin siyang nangungulila sa tinig ng lalaki. "Umuwi ka na bago ka pa mapahamak," ang huli nitong sinabi bago naputol ang linya na nag-uugnay sa kanilang dalawa. Nakaramdam siya ng panghihinayang. 'Kung talagang nag-aalala ka sa 'kin, bakit hindi ka magpakita at hilahin ako pauwi?' maktol niya sa isip. Hindi niya na batid kung ilang minuto siyang nakatutok sa cellphone. Nananalangin na sana tumawag itong muli. Pero bigo siya. Hanggang sa isang pamilyar na tinig ang umagaw sa nakatulala niyang diwa. "Hey, bugs... sorry I'm late," anang tinig ng isang lalaki. Agad niyang nilingon ang gawi kung saan nakapwesto sina Casimir. At hindi nga siya nagkamali ng hinala... Si Lex Janvier ang bagong dating. "Tss, as always," ani Casimir na sinamaan pa muna ng tingin si Lex bago tinanggap ang pakikipag-handshake ng huli. Kakaiba sa normal na pakikipagkamay ang kanilang ginawa. "Oh, wala ba tayong chicks ngayon?" tanong ni Lex at sandaling nilakbay ng paningin nito ang buong silid. Mabilis niyang hinila pababa sa kanyang mukha ang suot niyang sumbrero. "Wala, naging inahin na sa sobrang tagal mo," tugon naman ni Ison Jaxx na lumapit din sa bagong dating para makipag-secret handshake. "Lul! Sina Vaz at Medel?" Tumaas ang kilay niya nang marinig ang dalawang apelyido na iyo. Akala ko ba'y hindi sila nagkakasundo? Pero bakit halos kompleto na sila? "Si Vaz, hinahanap pa 'yong nililigawan niya. Si Jhenvick naman, papunta na raw," ang sagot ni Ison Jaxx, na nagbigay ng isipin kay Rainsleth. Pumunta kaya si Jace sa bahay? Napahimas siya sa kilay. Siguradong malilintikan siya sa Kuya Reuben niya kung pumunta si Jace sa bahay at nalamang wala siya sa kahit saan, lalo na kapag nalaman nitong hindi sila magkasama ni Selah. "Bugs, sandali lang ah?" rinig niyang sabi ni Lex Janvier. Muling dumapo ang tingin ni Rain sa gawi ng grupo ni Casimir, bagay na pinagsisisihan niya. Dahil sa muli niyang paglingon, nagtama ang paningin nila ni Janvier. At humahakbang na ito palapit sa kanyang kinatatayuan. Mukhang mapapasubo ako ngayon. ah. "Hon? Is that really you?" Tinitigan siya nito nang maigi at ngumiti nang makompirma ang hinala nito. Isang pilit na ngiti lang ang naging sagot ni Rain. Wala siya sa posisyon ngayon para magtaray. "You looked cute in a skirt but you looked sexy in that outfit," nakangising pambobola nito. Paano nangyaring mas sexy tingnan ang ganitong outfit? Eh, para na nga akong tambay sa suot ko. Buong akala niya'y mas nase-sexy-han ang mga lalaki kapag nakasuot ng miniskirt ang babae. Pero naisip niyang iba-iba nga naman ang taste ng tao. "Oh, bugs... nandito ka na pala," biglang singit ni Gemlyle habang pinapaikot sa isang kamay ang hawak nitong cellphone. Nakipag-handshake pa muna ito kay Lex bago siya tinapunan ng mapanuring tingin. "I remember you," anas nito mayamaya lamang. "Eh?" Tumaas ang kilay niya rito. Wala siyang matandaang nagkita na sila nito pero baka nga nagkrus na ang landas nila at hindi niya lang matandaan dahil sa wala siyang maalala. Pati si Lex Janvier ay gulat na napatingin kay Gemlyle, pero nagkibit-balikat lang ang huli at nagpaalam na rin. Nag-iwan pa ito ng isang makahulugang ngiti sa kanila ni Lex. "Tara, hon, join us. Wala ka naman sigurong kasama?" aya ni Lex kasabay ng paghawak nito sa braso niya. Gusto niya sanang magpanggap na may kasama siya at sabihing hinihintay na siya nito sa labas para umuwi. Ngunit naisip niya ring pagkakataon na niya iyon para makalapit sa grupo nito at makakalap pa ng karagdagang impormasyon. "Hey bugs! I want you to meet my hon, ahm..." sigaw agad ni Lex kahit hindi pa man sila tuluyang nakalapit. Natigilan ito at napakamot sa likod ng tainga nang maalalang hindi nito alam ang tunay niyang pangalan. Pinigilan niya na lang ang matawa. "Ano ba iyan, may pa 'hon-hon' ka pa pero hindi mo naman pala kilala," nanunudyong sabi ni Gemlyle kasabay ng mapang-asar na tawa. Sinabayan naman ito ni Casimir na umiiling pa, kahit nakapwesto na para tumira. "Wala ka pala bugs." "We already knew her name. Ikaw na lang yata ang walang alam," pahayag ni Ison Jaxx, bagay na hindi inaasahan ni Rain. "Ano?" magkapanabay nilang tanong ni Lex. Ang kaibahan lang ay naisatinig nito iyon samantalang siya ay nanatiling walang imik. Walang emosyon na pinapalabas. 'Showing your emotions to your enemy may uncover your weakness,' ang turo sa kanya ni Koen. "Lul! Kapatid 'yan ni Reu," sabat muli ni Gemlyle. "At pinsan ni payatot," dugtong ni Ison Jaxx. Naglalaro ang ngiti nito sa labi. Para na siyang maloloka sa mga pinagsasabi ng kaharap niya. Kilala ng mga ito ang kuya niya at may pinsan pa siya. Walang nabanggit sina Selah at Reuben. Hindi niya na alam kung paniniwalaan niya ba iyon. Ang dami niya pa palang hindi alam. At mukhang hindi lang siya ang naguguluhan. "Trip ba iyan, bugs?" Kunot na kunot na ang noo ni Lex at parang gusto nang manapak kung sakali mang pinagtitripan lang ito ng magkakaibigan. "Wait, don't tell me siya 'yong kinukwento mong nakabangga mo noong isang araw? Ang babaeng nagpatiklop sa 'yo?" tanong ni Gemlyle habang nagpipigil ng tawa. Talagang nang-aasar. "Screen your words, Barcelò," walang kangiti-ngiting banta ni Lex. Napaghahalataan tuloy ang pagiging pikon nito. "Tsk, tsk... hindi mo rin ba alam na siya 'yung nililigawan ni Vaz?" taas-kilay naman na tanong ni Ison Jaxx. Gulat na napatingin si Lex Janvier sa kanya at parang hindi makapaniwala. "Ikaw si Rain?" Napangiwi siya nang konti sa narinig niyang pangalan at tumango na lamang. "I'd prefer Ran," walang gana niyang sagot. "Tss..." mahinang singhal nito at walang pasabi na umalis na lang bigla. Nakita niyang nagtungo ito sa tindahan at bumili ng inumin. Hindi na ito bumalik at doon na rin tinungga ang isang bote ng alak. Ano'ng nangyari sa kanya? "Tsk, tsk, ngayon pa nga lang nagkagusto..." rinig niyang anas ni Gemlyle, na siyang umaagaw sa kanyang atensiyon. "Na-Bugs-code-zoned pa," agarang dugtong naman ni Ison Jaxx. Bugs code? Ano ba 'yon? Bigla niyang naisip kung tulad iyon ng codes at ciphers... Dahil kung Oo, pwede siyang magtanong sa kuya niya ng tungkol doon paa maintindihan ang ibang pang laman ng diary. Lalo na doon sa isang diary na puro codes o ciphers ang ginamit sa pagsusulat.  Magulo pa ang pag-iisip niya nang biglang magsalita si Casimir. Kakatapos lang ng laro ng mga ito at si Caismir ang panalo. "Oh, nandito na pala sila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD