VI. GUNI-GUNI

1945 Words
November 9, 2013 (Sabado) Amber Lim “Cath, are you sure hindi mo siya kakausapin?” tanong ko kay Cathy habang naghihintay kami ng taxi. Bumili kami ng ice cream sa Seven Eleven malapit sa court na tinutuluyan niya. “Besh, ilang beses mo na yang tinanong. Ayoko nga, at isa pa, iniwan na nga lang ako, hindi ba?” sagot niya, kaya naman napaiwas ako ng tingin. Ilang beses ko na siyang tinanong kung gusto niya munang kausapin ang lalaking iyon. Raiko Sanchez. Boyfriend niya. Nagustuhan ko rin siya noon, pero nagbago na yung feelings ko nung bigla na lang siyang nawala at iniwan itong best friend ko. Tapos nabalitaan na lang namin na nasa Laguna na siya. Like, what the heck? Why so sudden? Ni hindi man lang siya nagpaalam sa nobya niya. Bumuntong-hininga ako habang nakatingin kay Cathy, na nilalantakan na agad ang isang cup ng ice cream na binili namin. Ako naman, hawak ang ibang ice cream para pag-uwi namin sa tinutuluyan niya. “Natawagan mo na ba sila Tita Lanny?” tanong ko ulit, sabay kuha ng isang cup ng ice cream sa plastic bag na dala ko. “Yup, but I didn’t mention my condition,” sagot niya, sabay scoop at kain ng ice cream habang nakatingin sa kalsada. Nakajacket kami pareho dahil hindi biro ang lamig dito sa Baguio. Bumuntong-hininga ako muli. I don’t want to see her like this. Naglilihim siya sa family niya. “How about the kid? For sure malalaman at malalaman nila Tita iyong kondisyon mo dahil obvious naman na lolobo iyang tiyan mo,” sabi ko ulit sa kanya habang nagsuscoop din ng ice cream at kumakain. Bumuntong-hininga siya, tsaka tumingin sa akin. “I don’t know, Amber. Bahala na ang kapalaran sa akin,” yun lang at muli siyang kumain ng ice cream. Bumuntong-hininga ulit ako bago ngumiti sa kanya. “Mami-miss kita, besh,” sabi ko nang taos-puso, sabay yakap sa kanya. Naiiyak na tuloy ako. She’s like a sister to me. Para ko na talagang kapatid ang gagang ito. Sobrang dami naming pinagdaanan sa mga taon na lumipas simula nung lumipat siya dito, pero lalo lang tumibay ang friendship namin. “Gurl, ang OA mo. Bukas pa ako aalis! Huwag mo akong yakapin, hindi ko gusto pabango mo, ang baho!” sabi niya, kaya napasimangot ako. “Alam mo, kung hindi ka lang buntis, nasampal na kita. Arte nito!” sabi ko sa kanya. “Ewan ko sa’yo. Halika na nga, lakad na lang tayo. Bwisit na mga taxi yan, laging may laman,” sabi niya, kaya natawa ako dahil nabagot na yata siya kakahintay. “Oo na po, Madam Buntis,” sagot ko na lang, at tuluyan kaming naglakad papunta sa tinutuluyan niya. “Sigurado ka, Cathy, wala ka nang nakalimutan?” tanong ni Kuya Rey kay Cathy. Ilang beses na rin niyang tinanong yun mula kanina pa. Nandito kami ngayon sa gilid ng SM Baguio, sa baba non, sa terminal ng bus. “Ilang beses mo nang tinanong yan, Kuya Rey. Wala na nga po, na-check ko na po lahat ng gamit ko,” sagot ni Cathy, dahilan para mapakamot si Kuya Rey sa batok. Ako naman, tahimik na natawa at nailing. “Naninigurado lang ako, Cath. Ikumusta mo na lang ako kay Ate Lanny, pati na rin kay Daryl, ah,” sagot ni Kuya Rey. Hindi ko na naman napigilan ang luha kong tumulo sa katotohanang magkakahiwalay na kami. “Ayan ka na naman, Amber. Naiiyak na naman tuloy ako!” segunda niya. Napansin niya pala na umiiyak ako, kaya natawa na lang ako at agad siyang niyakap. “Mamimiss talaga kita, besh,” sabi ko nang taos-puso. “Ako din,” sabi niya habang magkayakap kami. Maya-maya pa, natanaw ko na yung bus na sasakyan pabalik ng Manila. “Oh, ayan na yata yung bus mo, Cath. Halik na, at baka hindi ka pa makasakay, kakayakap mo dyan kay Amber. Ang OA mo, Amber, eh magkikita pa naman kayo,” sabi ni Kuya Rey sa gilid namin, kaya napasimangot ako. “Si Kuya Rey talaga, killjoy! Hmp!” bulong kong angal kay Cathy, na sinamahan niya ng paghagikgik. “May sinasabi ka ba, Amber?” tanong ni Kuya Rey matapos akong kumalas sa yakap ni Cathy at napataas ang kilay niya. Nataranta ako at umiwas ng tingin. “H-huh? W-wala ah! Di ba, C-Cath?” nauutal kong sagot. Si Cathy naman, nailing lang habang si Kuya Rey ay inikot ako ng mata. Hmp! Tusukin ko yang mata na yan, eh. “Ikamusta mo na rin ako kay Kuya Ricky, besh, ah,” medyo mahinhin kong habol kay Cathy nang makita naming pumarada na yung bus niya at may nakapila na. Crush ko kasi Kuya niya, hehe. Dumalaw kasi dati yung Kuya niya dito sa Baguio para maggala. Doon kami nagkakilala sa bahay ni Jeremy dahil birthday ni Jeremy noon. Para pa ngang takot si Jeremy noon sa kuya niya nang makita niya ito, eh. Ewan ko ba sa lalaking iyon. Ang gwapo kasi! Kaya nga pinalitan ko na si Raiko, eh. Crush ko kasi si Raiko dati. “Asus! Simple ka pa! May asawa na yun, kaloka ka!” sagot ni Cathy. “Di ba wala na?” taas-noo kong sabi sa kanya, pero nailing lang siya. Matapos non, naglakad na rin siya papunta sa bus niya at tuluyan nang nakasakay. Hinintay namin ni Kuya Rey na makaalis ang sinasakyan ni Cathy bago namin nilisan ang station na iyon at naglakad papunta sa malapit na restaurant para kumain. *** "Amber," tawag ni Kuya Rey sa akin habang ngumunguya ako ng pagkain. Nandito kami sa isang restaurant na makaluma ang style; may TV ito pero airconditioned naman. Kakatawag ko lang kay Cathy kani-kanina lang para sana tanungin siya kung nabalitaan niya nang patay na ang isa naming kasamahan noon sa pag-aaral, pero nagtaka ako nang sigawan niya ako at agad pinatayan ng tawag. Napakunot ang noo kong napatingin sa kanya. "Bakit, Kuya?" "Wala ka bang napapansin kay Cathy kanina?" tanong nito, dahilan para kumabog ang puso ko nang malakas. "A-anong napapansin, Kuya?" paninigurado ko, baka nahalata niya ang kondisyon ni Cathy. Patay ako nito! "Parang may 'something' sa kanya, eh," sagot niya na tila nag-iisip. "G-gutom lang ‘yan, Kuya Rey. Baka kung anu-ano na ang nakikita mo. Kumain ka na lang," sabat ko agad sa kanya, iniba ang usapan dahil baka mapaamin ako kung magtanong siya ulit. "Siguro nga," sabi niya na lang at muling sumubo ng pagkain. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Muli kong itinuloy ang pagkain ko nang may marinig akong balita mula sa TV. "Isang babae ang nakatakas mula sa Protacio Mental Hospital sa Laguna. Ayon sa mga nurses, nakatakas ang babae dala ang isang palakol at ang bawat nurse at doctor na humarang sa kanya ay walang pag-aalinlangang pinatay. Kasalukuyan nang hinahanap ng mga awtoridad ang suspek." Grabe naman yung babaeng iyon! Dapat talaga kinukulong sa mental ang mga katulad niya. Bakit naman kasi may palakol sa mental institution na ‘yan? Nakakaloka naman talaga. "Sasabay ka ba?" tanong sa akin ni Kuya Rey nang matapos na kaming kumain. Siya na rin ang nagbayad ng mga pagkain dahil sweldo niya daw, kaya pinabayaan ko na lang. Nasa labas na kami ng resto. Umiling ako at ngumiti pagkatapos. "Kikitain ko pa si Jeremy, Kuya. Kaya una ka na. Salamat sa libre, bye!" sagot ko sa kanya, at agad na naglakad palayo. "Mag-ingat ka," sabi niya at dumiretso na sa sasakyan niya na nakaparada lang sa parking lot ng restaurant na kinainan namin. "Jeremy!" tawag ko kay Jeremy when I saw him. Nandito ako sa isang waiting chair dito sa may Burnham Park, sa may bike station. Maraming tao ngayon, karamihan puro mga bata. "There you are. Kanina pa kita hinahanap," malamig niyang tugon. Ganyan siya—creepy and cold person pero mabait pagdating sa mga kapatid niya. Halata naman sa dala niyang paper bag na may nakasulat na "Bench"; I think it’s a pair of shoes. Umupo siya sa tabi ko at nilagay ang paper bag sa lapag. "Let me guess, sapatos para sa mga kapatid mo, ‘no?" tanong ko sa kanya. Isang tango ang isinagot niya. Kinuha ang cellphone mula sa bulsa at nagtipa doon. "Sanaol may kuya na katulad mo, ano?" sabi ko ulit sa kanya tapos tumingin naman ako sa mga batang nagbabike di kalayuan sa amin. Instead na sumagot sa biro ko, he suddenly asked, "Did she leave already?" Napalingon muli ako sa kanya na may kunot na noo. I saw his usual cold face, and it creeps me out. Knowing this guy, sobrang weird nito minsan, eh. "Who?" I replied. Tinignan niya ako and he rolled his eyes. "Your best friend, si Cathy. Sino pa ba?" sabi niya ulit. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako muling tumingin sa mga batang nagbabike. Nasabi ko kasi sa kanya na ngayon ang biyahe ni Cathy pabalik ng Manila. "Nakaalis na siya. Baka nga nasa Manila na siya, eh," sagot ko sa kanya. Ewan ko lang kay Cathy kung may load siya para tawagan ako. Madalas kasi, text-text lang ang communication namin. Hindi na muling nagsalita si Jeremy. Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. "Don’t you have anything to say to Raiko about Cathy?" bigla niyang tanong kaya naman agad akong napatingin sa cold face niya. Sa hindi malamang dahilan, bigla akong kinabahan. "W-what do you mean?" nauutal na tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo. Nakatingin lang siya sa harap with his cold eyes and aura. I swear, ang weird niya talaga! "You know what I’m saying, Amber..." sabi niya at tumingin sa mga mata ko. "...buntis siya, right?" sabi niya, na nagbigay ng matinding kaba sa dibdib ko. How did he know?! "H-how did you know?" kinakabahan kong tanong dito. Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. "Is that important kung paano ko nalaman? Hindi ba dapat mas importante na malaman ni Raiko ang kundisyon ni-" pero hindi ko na siya pinatapos. Walang babalang hinawakan ko siya sa kwelyo dahil nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. "Huwag na huwag mong ipapaalam sa kanya dahil wala siyang karapatan. Hindi niya alam ang pinagdaanan ni Cathy noong umalis siya ng walang paalam," sabi ko nang may pagbabantang tinig. Isang malamig na tingin lang ang ibinigay niya sa akin. Tsaka ko lang napagtanto ang ginawa ko. Agad akong bumalik sa pagkakaupo at umayos at tumingin sa harap. Masyado akong nadala ng inis ko nang hindi ko namamalayan. "Hindi niya na kailangan malaman ang tungkol kay Cathy," sabi ko sa kanya pero nakatingin ako sa harap. Isang buntong-hininga ang narinig ko bago ako nakarinig ng sigawan. "Gago ka pala, eh! Kita mong ikaw itong nakaharang tapos ako pa sisisihin mo!" Agad akong napatingin sa gilid. Kita ko ang dalawang lalaki na nasa gitna ng kalsada ng mga bike at yung dalawang bike na bumagsak sa sahig. Maraming nakatingin sa kanila dahil sa kaingayan nila. "Gago ka rin!" sagot naman ng isa at nauwi na sa suntukan. Pinipigilan na sila ng mga kasama nila, at may mga dumating na ring guwardiya. Pero nahagip ng paningin ko ang pamilyar na mukhang nakatayo sa likod ng dalawang lalaking nagbabangayan. Nakatingin siya sa akin pero mabilis ding nawala nang humarang ang mga guwardiya at pinigilan ang gulo. Hinanap ko pa siya sa ibang direksyon pero hindi ko na siya makita. Wait, paano siya makakapunta dito gayong nasa Manila na siya? "Ber, let’s go," sabi ni Jeremy kaya sumang-ayon na lamang ako. Lumingon muli ako sa nagbabangayan sa kalsada pero nakita ko na silang naglalakad, nakasunod sa guwardiya at mga pulis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD