Sinamahan ko siya ng ilang minuto. Mukhang medyo kumalma naman siya kahit pa nanatili ang kadiliman sa mga mata. "You were so busy these past few days." usal ko at pinagmasdang mas dumilim ang mata niya. “I just had to take care of something important." I wanted to ask about it but does it matter now? Mas gusto kong malaman kung ayos lang ba siya. I focus my eyes on him. Nasa likurang upuan kami ng kotse niya at nakatingin sa isa't isa na parang parehas na may hinahagilap ng kung ano. Kahit pa natatabunan ng kadaliman ng gabi ang mata niya ay may kakaiba roon. I don’t know if it is just because of alcohol or what but I can see a faint of weariness in his eyes. "I.. I got worried so I sent you some messages. Hindi mo ba natanggap?" Nilakasan ko ang loob na mas salubungin ang mga titig n

