My mind is in a total chaos. I thought I prepared myself enough, but in front of this reality, I was not sure anymore. My heart is pounding so hard. Bawat pintig na ginagawa nito ay parang sumasakal sa hiningang gustong kumawala sa akin. P-Paano? Paano nangyari ang lahat? Paano niya nagawang makalapit sa mga anak ko ng ganito kadali? And to make it even worst, Annica called him Daddy! Kailan pa ang lahat ng ito?! "Mommy?" ang tawag ni Ash ang muling naging malinaw sa akin. Gayunpaman, hindi ko magawang sumagot. Pakiramdam ko umurong ang dila ko sa katotohanang nakalatag na ngayon sa harapan ko. Damn! For years, I had already prepared myself for it! "Mommy are you okay? Did you like our surprise for you?" This time, it was Annica. She looks at me with curiosity in her eyes. Before I

