She's a year younger with Xavion, and five years older than me. A twenty-eight year old Agatha Marcel or known as Mrs. Agatha Benraflor now. She's a former model for years before marrying Odelonie Benraflor, a fifty year old business tycon. She is now handling her own cosmetic business that was launched just a few years after her marriage. Isang malalim na paghinga ang napakawalan ko matapos mabasa ang mga impormasyon patungkol sa kanya. Sa naging pakikitungo niya kay Xavion noong nakaraang linggo ay nagulo ang isip ko. Kasal na siya, ngayon na nalaman ko ito ay para akong naginhawaan. Isinara ko ang laptop nang marinig ang mga katok sa pinto bago ang pagbukas nito. "May ginagawa ka ba, hija?" Tanong ni Nay Betty na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. May suot siya na salamin at may haw

