Si Sonny ang sumalubong sa akin pagbukas ng elevator sa tamang palapag. Mukhang naitawag na noong nasa front desk ang pagdating ko. "Good day, Miss. Mr. Saldevar is having his talk with Mr. Grecillo in his office right now." pormal na imporm niya sa akin. "Ow, is that so? I can wait. Saan ba pwedeng maghintay?" "No need, Miss. He asked me to meet you here and accompany you inside." tumango ako sa kanya saka sumunod papunta sa pamilyar na pinto. Pagtapat naming ay kumatok muna siya ng ilang beses bago binuksan ito para sa akin. "Thanks." Iyon na lang ang nasabi ko pagpasok dahil sumalubong agad sa paningin ko ang gwapong mukha ni Xavion. Inilapag niya sa mesa ang baso ng alak saka ako nilapitan. Tulad ng sinabi ni Sonny, hindi nga siya nag-iisa. A man with elegant features is now looki

