Iniyakan ko ulit ang gabing iyon. Ang makita at madama ulit siya ay naging dahilan na pagbalik ng lahat ng sakit. I broke up with him. At kahit gaano pa halos patayin na ako ng sakit, pipiliin kong umiyak ngayon hanggang sa wala ng matira. The only thing I was afraid now is that I would lose control over my emotion. I don't want that to happen. We're done. Sa sumunod na araw, hindi ko naitago kay Sabrina ang tungkol sa pagkikita namin kagabe. Bumisita ulit siya pero nadatnan niya ako sa silid ko na maga ang mata. "Ang kapal ng mukha! Matapos ka niyang lokohin may gana pa siyang magpakita!" sumandal ako sa headboard ng kama. "Nasabi ko na sa kanya ang lahat. Na nakita ko mismo ang pagsisinungaling at pagtataksil niya sa akin. Nakipaghiwalay na ako sa kanya at siguro titigilan na niya

