My heart is hammering so bad. Hindi ko magawang makalma ang sarili kahit pa noong nakauwi na kami. "Dabria Aerie will you please calm down? Nahihilo na ako sa'yo." Asik ni Babylyn sa akin. Kasalukuyan kaming nasa hardin. Nakaupo siya habang ako ay hindi makalma sa kinatatayuan ko. "Bay.. I don't know what to think anymore. Nakita niya na kalong ko si Annica!" "Calm down, alright?! Hindi niya agad maiisip ang tungkol kay Annica. I held her, right? Mas iisipin niya na anak ko siya. Isa pa, hindi naman niya nakita ang istura ng anak mo!" I bit my lip. Am I being too paranoid? Masyado ko lang bang iniisip ng masama ang pagkikitang iyon? But what if.. that encounter caught his attention? Dala ko ang isipang iyon sa mga sunod na araw. Kung hindi pa muling naging abala ay hindi huhupa ang p

